Monday, July 1, 2013

P.S. Ang Aking Mensahe (sana hindi maiyak)

P.S. Ang Aking Mensahe (sana hindi maiyak)
ni Peach Aceron

July 2011 nun nung naalala ko tumatakbo kami papuntang CCP para makahabol sanang makapanuod ng Ligo na U, Lapit Na Me pero nanghinayang at nalungkot kami kasi awarding na nung napadpad kami sa CCP. Maulan nun kaya nag papicture na lang kami.

            Last year, pinanuod ko yung Intoy, Syokoy ng Kalye Marino sa CCP. Swerte lang dahil sa gala night nataon ang panunuod namin. Sabi ko one day makakausap ko rin in person si Sir Eros.
Then come August 2012 ko lang napanuod ko ang Ligo na U at dun na nagsimula ko sa paghanga ko sa mga likha ni Sir Eros. Hindi pa ako nakuntento dun dahil  bumili kaagad ako ng Ligo na U at It’s Not that Complicated.

Si Sir Eros last year ko pa siya gusto talaga ma meet kaso wala lang talagang time para maka punta ng UST. Nung pumalo ang 2013 isa sa mga new year's resolution ko yung ma meet siya in person at makapag papirma sknya ng 2 books na binili ko (Ligo na U at It's Not That Complicated). Starstrucked ako nung ma meet ko si Sir Eros at hindi ako nagkamali sa mga sinasabi nila na mabait at very accommodating talaga siya. 

And napatunayan ko na lang talaga how he really cares for his fellow/kasamahan sa workshop when he attended my mother’s wake. Na touch ako kasi si Sir Eros sa class seryoso and mapagbiro. Kung mag-usap kasi kami hindi pa umaabot sa point na personal na ang pinaguusapan. Kaya na touch ako na he went out of his way kasama ng ibang mga ksama ko sa workshop considering na alam ko may mga gagawin din sila ng araw na yun.

Sir, by the time na mabasa mo ‘toh malapit na ang birthday mo hehehe.. You are really blessed right now because marami kang natulungang mga katulad na aspiring writers. Continue to mold students and young professionals to become future writers. Hindi man kagad maging best selling novelist katulad niyo pero at least papunta na rin dun hehe.

Thank you Sir for not being selfish. Alam naman natin na very competitive na ang panahon ngayon pero pinili niyo pong mag open ng free workshop at magturo sa amin despite of your hectic schedule.

God bless Sir sa lahat ng mga incoming projects niyo. I’ve heard from Sir Jerry nay may horror film kayo with Direk Chito Rono and sana po ma film na ang It’s Not that Complicated (matabi na po nagaabang hehe sa twitter).


Thank you Sir sa lahat, marami akong natutunan sa mga klase natin at mahal ka namin ng mga anak anakan mo sa 1st batch. Wala ka ng choice Sir dahil may mga anak ka na LOL! God bless Sir!

No comments :

Post a Comment