The Erotics

The Erotics, author's profiles







Aside from her work in Philippine National Bank as an Asst Team Leader of Correspondence Team of Service Quality Division, Peaches Aceron is also a freelance writer of P.R agencies. She is also a graduate of University of Santo Tomas major in Journalism in 2007. She is also an aspiring entrepreneur as well.





Si Ryan Jamil Vasquez Arioja ay isang BS ComSci student mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya sa Manila Science High School, kung saan niya nasimulang makahiligang magsulat, nga lang laging tinatamad. Kasapi siya sa unang batch ng mga nag-workshop sa malikhain pagsulat sa ilalim ng batikang nobelistan si Eros Atalia. Siya ay 17 taong gulang.








Chenley C. Cabaluna earned her Bachelor of Science in Nursing degree at FEU and is now a Registered Nurse. A self proclaimed book worm, music enthusiast and lover of the sciences, the weird and the extraordinary. A mediocre/frustrated singer, dancer, blogger, painter and writer. Read her here - /sichenleyako.wordpress.com/





Leng de Chavez is currently in her senior year at University of the Philippines Los BaƱos, taking up BS Human Ecology. Aside from being an efficient crammer, she also writes young adult and new adult novels on Figment. She has a love-hate relationship with books, mixtapes, TV series, James Franco and the most trivial things. She dreams to be the voice of her generation (or at least a voice), just like Hannah Horvath from GIRLS. Read her here - makatingkamay.wordpress.com and /http://caffeinedextrose.wordpress.com




Sherina Mae Inza-Cruz is inclined to site-specific edgework and experimental art. Naniniwala sa point ng pagkawala ay ang point kung saan mahahanap ng isang tao ang kanyang sarili. May love-hate relationship sa pagsusulat. Nakatanggap ng ilang parangal sa pagsulat ng isang yugtong dula at maikling pelikula noong kolehiyo at hayskul.






Kasalukuyang nag-aaral si Marie Giselle R. Dela Cruz ng AB Communication Arts sa University of Santo Tomas. Maliit at matabang bata pa siya nang mangarap maging writer, ngayong malaki na at mataba pa rin siya, tinutupad niya na ang dating pangarap lang. Maaring mabasa ang iba niya pang akda sa omaygash.blogspot.com. Mahilig siya sa ice cream (at kay Coco Martin).





Si Christine E. Emano ay isang mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Bachelor of Arts Major in Journalism. Kabilang siya sa opisyal na samahang panteatro ng Fakultad ng Sining at Panitik na nagngangalang Artistang Artlets. Dahil sa kanyang matinding pagkahumaling sa sining at pagtatanghal ay umarte, kumanta, sumayaw, at nabaliw na siya sa sa sari-saring mga dula. Bukod sa pag-arte sa entablado ay madalas rin siyang magsulat ng mga emo, nakakakilig, at weird na mga bagay-bagay depende sa kanyang bugso ng damdamin o sa itsura ng buwan. Basahin siya rito - emansanas.tumblr.com/




Si Eduardo A. Evaristo Jr. a.k.a Don Evaristo ay nagtapos sa San Sebastian College Manila naging parte ng ABS CBN Sports. Nakapagtala ng maiksing kwento sa True Philippine Ghost Stories book 31 at Sopas book 2 ng PSICOM Publishing at ngayon ay ikinararangal na mapabilang sa "The Erotics" ni Ginoong Eros Atalia.







Si Iza Maria Gonzalez ay isang 4th year Journalism Major sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi siya marunong tumawid, mag-bike o mag-jackstone at madalas siyang praning. Bukod sa pagsusulat, true love niya ang pagkanta, color yellow, at adobong pusit.







Ma. Emicon M. Medenilla is an alumna of AB Journalism from the UST Faculty of Arts and Letters. She has worked as a junior writer in Full Circle Communications and as a catalog synopsis writer in ABS-CBN. Currently, she is the editor-in-chief of Food, Health and Science Magazine. She loves daydreaming, talking, walking, and going places. Read her here - travellingpanties.tumblr.com





Maliban sa pagsusulat, tulad ng langis, magmahal lang ata ang alam gawin ni Rijel R. Reyes. Undergraduate ng AB Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), pinapatunayan niyang kasama ang chamba sa formula para makapasa. Humihingi siya ng tulong at pagdarasal mula sa iba para makapagtapos ng kolehiyo. Basahin siya rito! - rijelreyes.wordpress.com/






Ana Isabel “Ysab” Manalang Y Santos, sabi ng isang grupo ng mga manunulat sa Pila-Ulit-Pila University, may talento ako sa pagsusulat dahil taga-Bulacan ako. Ang dahilan sa likod ng lohikang ito, paki-google na lang po. Palayaw ko: Ysab. Hilig kong magbasa ng mga kwento pero astig kung magiging certified tagalikha rin ako.







Si John Carlo I. Pacala ay nagtapos ng AB Political Science sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang taga-salo ng mga complaints at demand letters sa isang insurance company. Mahilig siyang tumunganga sa mga construction sites at ginagawang building at kumain ng siopao na may itlog na maalat sa loob.






Kung hindi daw uupo sa gobyerno ay magiging NPA daw si Merl Peroz ayon sa kanyang mga kaklase sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pag-katapos niyang kunin ang kursong Journalism ay nais niyang mag survive sa mundo ng media (at yumaman). Kinikilig siya sa mga political at social issues sa loob at labas ng Pilipinas. Pupunta siyang New York dahil dinidikta ito ng kanyang kaluluwa. Basahin siya rito - thewittywatchdog.tumblr.com/





Si Jen Karen Tan ay pinanganak at lumaki sa Lucena City, Quezon. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas ng kursong BS Computer Science at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Software Engineer. Di pa kuntentong magsulat lang ng mga kodigo para sa kompyuter kaya't ang pagsusulat naman ng kwento ay sinusubukan.


No comments :

Post a Comment