Nagtapos si Eros S. Atalia ng Master of Arts in
Language and Literarure-Filipino sa DLSU noong 2008 at BSE-Fil sa PNU noong
1996. Ginantimpalaan ng Komisyon sa
Wikang Filipino ang kanyang tatlong sanaysay at apat na tula. Unang Gantimpala
sa Pandaylipi Ink. sa pagsulat ng tula noong 1995, Gawad Balagtas (PNU 1996),
Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006),
Gawad Soc Rodrigo (2007), Fellow sa UP-ICW Writers Workshop for Mid Career
Writers noong 2007.
May akda ng 5 aklat. Apat sa mga ito ay naging bestseller.
• Taguan
Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal
(kopiteybol dedbol buk) (UST 2005)
• Ligo
na U, Lapit na Me (Visprint Inc. 2009)
• Wag Lang di Makaraos: 100 Flash Fiction (Visprint Inc. 2011)
• It’s
Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 (Visprint Inc. 2012)
Ang “Ligo na U, Lapit na Me” ay ang kauna-unahang nobelang itinanghal bilang pelikula sa 7th Cinemalaya. Sa 8th Cinemalaya ang kanyang kwentong “Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino.”
Lecturer, panelist, resource person at speaker sa mga
local at nasyonal na kumperensya, seminar at workshop sa wika, linggwistika,
panitikan, malikhaing pagsulat, peryodismo at pamamaraan ng pagtuturo.
Kasapi ng mga organisasyon ng mga propesyonal na
manunulat at peryodista. Naging
contributor sa mga pambansang tabloid at kolumnista sa Remate at Diyaryo Pinoy.
Dating editor-in- chief ng Responde Cavite. Kasalukuyan ngayong kolumnista sa
Pilipino Mirror. Associate ng Center for Creative Writing and Literary Studies at
Research Associate sa Research Cluster on Culture, Education and Social issues.
Nagtuturo ng Filipino at Filipino Journalism sa Faculty of Arts and Letters, at
Creative Writing sa UST Graduate School.
San po mabibili ang taguan-pung? yung nalang po ang wala akong copy... thanks!
ReplyDelete-Wilson Valiente https://www.facebook.com/Superman.Wilson.Valiente
Oo nga po. Nakapagpublish na po ba ule ng Taguan Pung? Salamat. ;)
ReplyDelete