Workshop

The Workshop

Eros Atalia work shoppers' group pic sa graduation party!

Sa pamumuno at patnubay ni Eros S. Atalia, binantayan ang pagsaanay ng kabataang manunulat sa pagluwal ng sarili nilang katha. 

Magmula Marso 26 – Hunyo 24,2013, naitaguyod ang 12 workshop meetings at ilang literary happenings sa UST, opis ng Visprint sa Pasay bahay ni Ricky Lee, La Solidaridad bookshop sa Ermita, UP Diliman at sa Casa De Tobias Resort, Nagcarlan, Laguna.

Tuwing Sabado sa loob ng tatlong buwan ng close readings, story critiques at paduguan ng mga short story manuscript. Tuwing Sabado sa loob ng tatlong buwan, natatapos ang gabi sa kainan, kwentuhan at malakas na tawanan. 

Casa de Tobias, Nagcarlan, Laguna

Labinlimang kalahok na nagmula sa iba’t ibang propesyon, edad at temang hilig ang nakatapos ng kauna-unahang Eros Atalia Fiction Writing Clinic.







The Panelists

Ang mga panelists sa graduation workshop sa Nagcarlan, Laguna. Maraming, maraming salamat kela Chuckberry Pascual at Carlomar Daoana para sa pagpapaunlak ng imbitasyon na magbahagi ng kanilang kaalaman at ibang karanasan sa pagsusulat.

Chuckberry Pascual, Carlomar Daona at Eros Atalia



No comments :

Post a Comment