Si Eros Atalia
at ang mga Batang Erotics
ni
Ysab Santos
March
sixteen:
dala
ang katawan at inalertong pag-iisip,
sa
kauna-unahang araw ng pagsasanay.
Baon:
kaunting pera;
lakas
ng loob;
kabaitan
(?);
maraming
ngiti;
malakas-lakas
na boses;
bolpen;
notebook;
at
sariling kwento.
Bago
matapos ang session:
(1)
Basahin ang Utos ng Hari at Si Anto;
(2)
“Assignment ninyong” ipakilala
ang
pangunahing karakter ng inyong istorya.
Karakter…
karakter –
pisikal,
mentalidad
emosyon,
saykolohiya
katayuan
sa lipunan, kumpletong biodata.
A
beinte tres ng Marso ang sumunod na araw.
Ipinakilala
ko kay Sir si Lara,
Ma.
Lara Oloris ang buong pangalan.
Ipinakilala
rin ng iba pa, ang kanilang mga bida.
Babaeng
baog at iniwan ng walang konsiderasyong asawa.
Batang
mahirap, lumaki sa hirap, at namatay nang mahirap.
Batang
kulang-kulang: ina, karangyaan, ama, dugong susustento at dadaloy sa katawan.
Inang
nawalan ng bahay na pagsisilungan sa anak,
Magkarelasyong
dating masaya, sa ilang panahon ay naghiwalay…
Nagkalayo, at isang araw, muling
nagkita –
ang araw ng
paghuhukom.
Ilan
lamang sila sa mga kwentong aabangan sa araw ng pagtatapos
nitong pagsasanay.
Ang
kwento ko ngang ibinahagi,
kwento
ni Lara Oloris.
Isang
dating aktibista, tagapagsalita sa mga protesta.
Matapos
mahuli sa isang rally kasama ang sampu pa sa kanila,
doon siya mapapalapit sa isang
kasama: si Fatima.
Lilipas
ang panahon, darami ang kanyang mga hamon:
pamilya,
pag-aaral, pagkilos, personal na disposisyon.
Lumipas
nga ang panahon, dumating ang araw ng kanyang pagtatapos –
Cum
Laude.
Ang
mga sumunod na eksena, nagtatrabaho na siya sa media.
Batikang
writer at producer, editor at direktor ng sariling mga episode;
Dokumentarista.
Kakatok
isang araw, panibagong kwentong bibigyan ng hustisya:
Surface student-leader Fatima!
Ika-6
ng Abril, sumunod na pagkikita-ktia:
Ano
ang dialogue?
Tinutulungang
hubugin ang mga karakter
sa pamamagitan ng mga “linya.”
Tandaan:
“Iwasan
ang kwento na, ikinukwento pa.”
Heto,
April twenty,
ang
ikaapat na session sa seryeng pagsasanay ng mga bata.
Fiction
–
may center of intelligence; limitasyon
ng kwentista sa kanyang kwentong isinusulat.
Iba’t ibang istilo: inverted,
linear, non-linear, forward movement; multi-directional.
mayroong setting na siyang
konteksto ng kwento.
at may mga tauhang binibigyang
hininga at buhay sa kwento.
4th
day na ng Mayo,
“nakakailang
session na nga tayo?”
Lima.
Salang
sa workshop ang kwento ni kasamang Giselle,
Cheap na Bagay sa Divisoria,
at ni kasamang Ryan, Lakad.
Point
of view.
Center
of intelligence.
Saan
ito lulan (ginanap)?
Mga
salitang ginamit.
Mga
tauhan.
Close
reading na ang porma ng pagwo-workshop
sa mga sumunod pang istorya.
A
desi otso ng Mayo, bubusisiin at hihimay-himayin
ang lohika ng bawat salita,
pangugusap at talata
na ginamit ng kwentista.
Kape,
Bedsheet, Kurtina at Bintana ni kasamang Chenley ang nauna.
+ (Positive)
ni Leng ang ikalawang isinalang.
Ika-25
ng Mayo, walang proper session na naganap.
Araw
naming ito ng “We love JC Pacala”
at pagsuportang moral sa pagkakabahagi niya
sa Palihang
Rogelio Sicat.
Book
launching din ni Ferdinand Jarin na dati ko nang nabasa,
sa kanyang maikling kwentong
D’Pol Pisigan Band,
naging first prize sa Palanca.
Talk
nila Ed Maranan at Psyche Mendoza.
Talk
din ni Koyang (Jess Santiago) pero
mas inabangan ng lahat ang
kanyang cultural performance.
Lumalapit
na ang araw ng pagtatapos.
Sa
kauna-unahang batch na ‘to: cool.
Sa
natatangi at walang kaparis naming mentor:
(sabay-sabay) “WE LOVE YOU!!!
At pa-Yum Burger ulit Sir!”
Ang
mga sumunod na meeting,
bukod sa close reading proper,
nasusundutan na rin ng tasks
distribution para sa gaganaping graduation.
June
1, isinalang si Tristan at ang Siargao ni Ate Peach
(na hindi ko alam kay Sir kung
Peachy o Peach o Peaches ang gustong itawag kay Ate).
Sinundan
ito ni Lola,
na may makatawag-pansing linyang
“Si Bum at si Lola. Si Lola at si Bum.”
ni kasamang Iza.
Oh,
a otso na ng Hunyo,
Nag-plot na si Sir ng deadline
sa pagpapasa ng manuskrito –
June 14, araw ng Biyernes sa
susunod na linggo.
Sundot
ulit ng kumustahan sa mga gawaing napaghati-hatian:
Certificates;
Logo;
Venue;
Paghagilap ng mga donasyon;
Paghagilap sa mga batang dadalo sa pagtatapos.
Close
reading pa rin sa kwentong Uwian ni Miko
at sa Ang Paghahanap ng Ginto ni
Rijel.
Muling
napuna at nagpuna ang grupo ng Erotics
sa napatunayan nitong hindi disiplinadong
pagtalima
sa
oras ng kitaan na itinatakda.
“June
15… ala una kinse hanggang ala una y media lang
ang hintayan sa LRT – Katipunan.
Aalis si Ricky Lee ng alas tres y media kaya dapat
tayong on time.”
June
15, alas dos kinse na’y nasa pila pa lang ng mga traysikel
ang seeking-for-discipline na
mga bata.
Alas
dos treinta y singko, The Erotics is in the house of Ricky Lee na.
Face-to-face
sa loob ng kanyang library,
Pakikimingle sa sangkatutak
niyang mga libro.
Buti
na lang at malakas ang loob kong magtanong,
buko agad ang bagong film na
niluluto,
hango
sa kwento niya –
Servando
Magdamag, coming soon!
Talk
– insights, mga payo.
Autograph.
Book signing.
Photo
ops.
“Pabili
pong libro,”
“Papirma
naman po sa libro n’yo.”
Photo
ops.
Ganado
ang mga bata sa melodramang kwento ni Ricky,
muntik pang mag-force pasting.
Baka
sakali,
baka sakali lang naman…
mahawaan din kami ng galing
sa creative
writing.
Alam
kong may kulang.
Mga
hindi ko nabanggit na isinalang na kwento –
Biktima
ni Merl,
Bolpen
ni Jen,
ang
kay Kuya Ed na Wanted: Bedspacer,
at
ang sa akin namang Untitled Feelings.
Walang
date sa notebook ko kung kailan
ang mga ito isinalang.
Gayunpaman,
pagpupugay sa ‘ting lahat.
Ilang
araw na lang, magtatapos na tayo.
May
ilan na sa atin ang nagseselos sa upcoming second batch
ni Sir sa Agosto.
Sabi
nung isa d’yan,
“Wala bang 3-month rule?”
May
nabasa rin akong,
“Magseselos ako kapag may 2nd batch na si Sir.”
“Magseselos ako kapag may 2nd batch na si Sir.”
Nakakatuwa
at nakakatawa.
Sa
ilang mga susunod na araw o linggo o buwan o pwede na ring taon,
may ilan na sa ‘ting makapaglalabas
ng libro.
Tulungan
ulit sa paghagil ng mga donasyon at sponsor!
Muli,
Happy
Graduation!
It
has never become complicated because of Sir.
Si
Eros Atalia…
Para sa akin…
...ay
ang buong pag-iral ng pagsasanay na ito.
No comments :
Post a Comment