Monday, July 1, 2013

Si Eros, Pre

Si Eros, Pre
Ni John Carlo I. Pacala

Kialala mo ba si Eros Atalia? Hidi, hindi. Hindi yung nanalo ng Palanca. Hindi yung best-selling author. Hindi yung author ng kwentong ginawanang indie film. Hindi, hindi. Hindi si Bob Ong. Anokabanamangbataka. Hindi daw siya. Sabi niya.

Si Eros Atalia. Hindi. Hindi siya yung prof na hinintay kong maging prof mula nung first year college ako. Hindi siya yung hinintay kong maging prof noong third year college ako. Hindi ko binalak na magpalipat ng section dahil desperado akong maging prof siya. Eh hindi. Hindi pumayag si Assistant Dean.

Ang Eros na kilala ko eh yung nanlilibre sa Jollibee at Mang Inasal. Yung kumakain ng nakakamay sa KFC, kiber ng iba kung prof siya, o bestselling author, o Palanca Award winner. Basta magkakamay siya. Walang pakialaman. Ang Eros na kilala ko ay yung hindi yung paintelektwal kahit marami siyang alam. Hindi nagsasalsal sa kanyang karunungan. Hindi pasosyal at walang kaburgesan sa katawan. Hindi mo siya makikita sa Moviola na humihigop ng Lost Horizon, nakikipagdiskusyon ng hermenyutika, at nakikinig ng jazz. Bagkus ay papupuntahin ka niya ng D. Jose hanggang Carriedo o kaya naman ay kukuwentuhan kung ilang gay bar ang makikita sa pagitan ng Isettan at Quiapo Church.


Ang Eros na kilala ko ay yung nagtatanong ng bakit ka namin babasahin kung hindi ka naman nagbabasa? Ang Eros na kilala ko ay yung matiyagang nagbabahagi ng kanyang kaalaman kahit kulang ang attendance.  Ang Eros na kilala ko ay humuhubog ng mga batang manunulat. Humuhubog sa paraang hindi kailangang ihambing ang mga gawa sa kung paanong tinitignan ng ibang manunulat ang mga toreng garing ng panitikan, bagkus ay humuhubog sa kung paano matatagpuan ng mga manunulat ang sarili niloang boses. Maisulat ang gusto nilang maisulat. Masakyan ang kanilang trip.At nagpapakilala siya sa mga ito bilang siya. At sana ay marami pa ngang makakilala sa kanya sa kung paano ko siya nakilala.


No comments :

Post a Comment