Monday, July 1, 2013

HASHTAG: FAN GIRL

HASHTAG: FAN GIRL
ni Christine Emano


Dear Sir Eros Atalia,
Ito po ay isang love letter ng isang fan girl sa kanyang idol. Yieee!
Okay dahil dyan magsisimula na po ako in 3…2…1….Telon.
*Fade in Music* *Fade in Lights*
Nung unang nalaman ko na magiging prof ko si Sir Eros sa Retorika nung 3rd year, tumalon sa tuwa yung kaluluwa ko dahil sobrang simula first year pa lang pinagdadasal ko na kay Lord na sana maging prof ko siya. Sobrang angas na angas kasi ako kay Sir Eros. Yieee. Hahaha. At sobrang mahilig ako sa mga bagay na witty at pa-deep o pa-subtext kaya sobrang gusto kong malaman kung paano ba si Sir Eros magturo. 

Nung naging prof ko na siya, na-realize ko na maaari pala akong antukin sa klase pero nakikinig pa rin. Kahit sobrang gusto ko ng ipikit ang mata ko minsan, nakikinig at nakikinig pa rin ako sa mga tinuturo niya. At kahit minsan gusto kong mag drinking fountain o mag CR ay hindi ko magawa, dahil pakiramdam ko pag lumabas ako ng kwarto marami akong mami-miss na bagay. Seryoso. O diba. Angas talaga ni Sir Eros.

Meron ding pagkakataon na ginawa akong Stage Manager sa “Manok, Tigok, Tibok” na ginawa ng AA bilang isang site-specific play. Natuwa ako kasi script yon ni Sir Eros. Eh di cool. May isang beses na nanlibre si Sir Eros ng Mang Inasal sa aming mga AA na nagtatrabaho at dun ko nalaman na nagkakamay pala si Sir Eros pag kumakain sa Mang Inasal.

Nung nalaman ko via facebook na magkakaroon si Sir Eros ng libreng workshop, sinubukan ko lang magpasa bilang nahatak lang naman ako ng mga kapwa ko AA nung mga panahon na magpapasa sila. Biglaan lang yun dahil pagkatapos naming magklase ay diretso ako ng comp shop para hagilapin sa blog ko yung mga script/maiklingkwento/tula na ginawa ko. Copy. Paste. Onting edit. Tapos pasa na with resume. Hindi ko inakalang matatanggap ako.

Dumating ang workshop. Palaging may halong excitement at kaba bago ako pumunta sa bawat workshop. Dito ko rin mas lalong napagtanto na isa si Sir Eros sa mga mapagkumbaba at mapagbigay na tao. Nagkukuwento siya ng mga writers na generous at humble, pero isa rin siya sa mga yun. At ning nanlibre ulit siya sa Mang Inasal ay nagkakamay pa rin siya. Patunay na isang simpleng tao lang din naman talaga ang pogi at seksi at matinik sa chix na si Sir Eros.

Eh di ayun. Workshop na. Nung simula, maganda ang attendance ko at tuwing sabado talaga ay nasa workshop ako. Pero nung mga padulo na nung Mayo, hindi na ko halos maka-attend dahil sobrang ang dami ng inaasikaso. Lalo na’t officer ako ng AA, nahirapan talaga ako dahil naisasakripisyo ko na ang workshop para sa mga ibang trabahong kailangan gawin. Muntikan na nga rin akong sumuko, pero tingin ko pag sumuko ako buong buhay kong dadalhin sa isip at puso ko na nagquit ako sa workshop ni Sir Eros. Gagawan ko na lang ng paraan. At hanggang ngayon nagsisisi ako sa mga araw na hindi ako nakapunta.

Nagsusulat ako ngayon na bukas na lalarga sa Laguna. Sobrang bilis ng panahon. Sana hindi ito ang huling beses na magkakaroon ako ng opportunity na ganito. At ngayon na prof ko ulit si Sir Eros sa Filipino Journ. Eh di ayos! Pakiramdam ko suyang-suya na si Sir Eros sa block naming at 3 sems na niya kaming tinitiis. Pero sobrang pinagdasal talaga naming na maging prof si Sir Eros palagi. YIKEEEE
Ngayon, bukas, at magpakailanman at mananatili sa puso at isipan ko ang mga naranasan at natutunan ko sa maikling oras na nakasama ko si Sir Eros at ang Erotics.
*Fade out Lights* *Fade out Music*
TELON.

At mga kaibigan dito na po nagtatapos ang monolog slash liham ng isang fan girl sa kanyang idol.
Muli, gusto ko pong magpasalamat sa iyo, Sir Eros Atalia, sa pagiging isang mapagtiyaga, mabait, mapagkumbaba, at butihing ama. Opo. Kahit sabihin niyo pong wala kayong anak, meron po. Kami po. Di lang po ako sigurado kung tanggap nyo po nag mga kasaltikan naming bilang anak niyo po. Hehe.
Di man po halata, pero isa po ako sa mga avid fans nyo, Sir. Shempre peke-pekean lang na hindi ako nasastarstruck sa kapogian nyo J Hehe.
Maraming Salamat po! Muli sa hanggang!!!!

                                                                                                Nagmamahal,
                                                                                                Christine Emano



No comments :

Post a Comment