Monday, July 1, 2013

Yum na Yum si Eros Atalia!

Yum na Yum si Eros Atalia!
ni Marie Giselle R. Dela Cruz

Si Sir Eros Atalia ay palihim na kumukuha ng  tetra pak orange juice.

‘Siiiiiiiiiiiiir” pabulong na tinawag namin siya. nakaupo kami sa makinis, may varnish sa matigas na bangkong kahoy. Malakas ang ilaw ng mga puting fluorescent bumbilya, maingay ang paligid. Puno ng mga kaibigan at kamag-anak. Nasa burol kami at nakikiramay sa pagkawala ng mahal sa buhay ng isang kasamahan.

Pagkatingin niya, nginuso namin ang bundok ng juice na nakalagay sa paper plate, sa kaharap naming bangko. Si Sir Eros ang direktang katapat ng mga juice. May katabingi kuya ang mga juice,nakatalkiod naman pero ilang lang sentimetro lang ang layo ng kamay ni kuya sa paper plate.

Tumingin siya sa kanan at kaliwa. Tapos dahan-dahang hinila isa-isa ang mga juice. Naka-isa, dalawa, tatlo, apat na tetra pak. Siya na rin ang nag-abot sa amin ng straw. Ekspert na ekspert. Naghigikhikan kami nila Emano, Iza at Merl. May malaking ngiti at tahimik na sinisipsip ang orange juice. Hindi napansin ni kuya.

Heto ang isang halimbawa na talaga namang supportive sa amin si Sir Eros pagdating sa pamamahagi ng pagkain. Kay Sir Eros lang din ako napapakain ng Jollibee, Mcdo baby talaga ako.  Hindi ko mahanap ang kasiyahan ng tagline na ‘bida ng saya’ sa Jollibee. Pero dahil laging libre ang yumburger, yum naaaa! Yum na Yum si Eros Atalia!

Osige, pwera biro. Pana’y tignin. Sukdulan ng hirap basahin. Heto si Eros Atalia sa akin.

Nakayuko at busy sa pagta-type ng Tab. Tas bigla kang titignan. At magta-type ulit sa Tab niya. Hindi mo tuloy alam kung galit ba siya o wapakels naman. Ano ba talaga?  Minsa’y masungit, tapos biglang magbibiro. Ang lakas pa mang-alaska. Madalas tahimik, tapos biglang ngingiti. Scary. May topak talaga. Feel ko, kung hindi naging professor at writer ‘tong si Sir, pwede nang sumide-line na bilang isang terrorist (o kaya rapist!) Hahaha, PEACEEEEE!

Honestly, hindi ko nagustuhan ‘yun Ligo na U, Lapit na Me. Pagkatapos ko siyang basahin, sabi ko sa sarili ko “never again”. Hanggang ngayon, hindi ko pa ulit nabubuklat ang libro. Pero sa isang entrance exam para sa school publication, nang magpagawa ng book review,  Ligo na U, Lapit na Me ang sinulat ko. Sa kalaunan, mababasa ko ang ibang libro niya, kahit nagkaklase. Nang mabasa ko ang sex scenes sa It’s Not That Complicated, naglalakad ako sa corridor para mag-transfer ng ibang room. Biruin mo, natataranta at naiintriga na ang mga kaibigan ko dahil sa paulit-ulit kong pagsigaw ng “OMAYGASSSH!”. Mababasa ko rin kahit ang mga tula at editorials niya. Bibilib ako sa paraan ng pagsusulat niya at makakabisa ko na rin ang bawat punchline at jokes niya.

Prof ko siya sa dalawang Pilipino. Dalawang sem, bale sampuwang buwan din. Tapos etong talong buwan na workshop.

Hinika ako noong 1st at 2nd meeting kakatawa sa klase niya. Kailangan ko pang yumuko para sa pasimpleng paghinga sa inhaler. ‘Yan kasi nasobrahan ako sa tawa (kaya nga nagdala ako ng nebulizer sa graduation).

First time kong makasulat ng Filipino super short story habang (hindi) nakikining at patungo-tungo sa klase niya. Sa bandang harapan pa ako nakaupo. Siya rin ang parang silang plaka na nagsabing “kailangan niyong magbasa ng magbasa ng magabsa ng magbasa ng magbasa ng magbasa ng magbasa”, na isinapuso ko nga. Nag-practice at nag-aral akong mag-isa, itinaguyod ang sariling pagsusulat at nagbukas ng writing blog. Alam kong nababasa ni Sir ang mga blog posts ko hanggang ngayon (kahit hindi niya sabihin). Paano ba naman, ang blog post kong  ni-like ni Sir Eros ay kauna-unahan kong kwento na medyo mahalay at may harot! (‘pag si Sir talaga, alam na haha).

Hindi ko siguro inakala na may makakapansin at mag-uudyok sa akin para magsulat. Siya rin ang nagpapaalala at minsa’y namimilit, mga pasimpleng “Ui sumali ka rito” o “Nagpasa ka na ba?”, sa kung anu-anong workshop at competition. Kung hindi siya nangulit at nagbigay ng oportunidad, hindi siguro ako nakarating dito ngayon.

Napaka-subtle kasi ng kabaitan ni Sir. Hindi kasi siya wordy o kaya touchy-feely (buti na lang haha). Pero ipapakita niya ito, sa pag-abono ng mga biniling libro ni Ricky Lee o nang minsang nanlibre siya ng KFC bucket meal para sa grupo. May natira pang isa, iuwi ko na raw para may pagkain ako sa dorm.  Hindi ko na kinayang kainin at solohin ang masarap na manok at macaroni salad. Nahiya kasi ako sa kabaitan niya, kaya ibinigay ko na lang ito kay Ate sa Dapitan na mas nangangailangan. Walang kadamutan sa pagkatao niya, walang ka-artehan sa katawan. Except siguro run sa gray, na super flowy, silk pants niya haha.

Minsang mag-Cavite kami kasama ang ibang kaibigan at foreigner exchange student, pagkatapos tignan ang Kalye Marino at Rosario bilang isang possible community development, tumuloy kami sa Tagaytay para mamasyal. Nang tanungin ako kung anong gustong gawin, pabiro akong nagreply ng “Horseeeeeback riding!!!”. Nagulat na lang ako nang tinotoo niya ang joke ko. Talagang nanlibre at pinilit akong sumakay ng kabayo dahil hindi pa ako nakakasubok. Nanlibre pa ng bulalo at nang-alok ng BJ. Nagtinginan kami ng mga kasamahan ko, puro pa naman kami babae. Inulit ang alok kung gusto namin ng BJ, BJ para sa BUKO JUICE. Malakas na tawanan. Ganyan siya ka-baliw at saksakan ng bait.

Pero ang pinaka-cute at favourite moment ko with Sir Eros, ay nun unang magkausap kami sa labas ng classroom. Nagkasalubong kami sa gilid ng Main Building, kakabili niya lang ng dirty ice cream cone mula kay Kuya. Napahinto siya sa harap ko. Tinatanong niya kung magco-cover ba raw ako ng Visprint WIT 2 seminar. Medyo matagal kaming nakatayo at nagkalituhan. “Diba, magco-cover ka?” “Ha? Ano po?” “Diba ..achuchu..” “Poooo?”. Wala talaga akong kamuwang-muwang sa mga tanong niya, hindi ko maintindihan kung bakit ako ipapadala para mag-cover. Pagkatapos ng mga paikot-ikot na tanong, napagalaman namin na pupunta naman talaga ako sa event pero hindi ako magco-cover. ‘Yun pala akala niya kasi taga-Varsitarian ako. Ilang minuto na tumutulo ang dirty ice cream niya at padila-dila siya rito. Parang bata lang na natutuwa sa malamig at masarap na ice cream na hawak Ako naman, nakatayo at litong-lito habng naiinggit sa ice cream niya. Peyborit ko pa naman ang ice cream.

Napakahirap pagkasiyahin sa iilang pahina ang lahat ng mga nagawa at mga pagkakataon na nakasama ko si Sir Eros. Kaya pagkatapos ng isang taon na pagkakasawaan ng mukha sa halos every week na meetings, idagdag pa ang ibang literary happenings, gusto ko lang ibalik kay Sir Eros ang mensahe niya sa akin dati. Heto ang sinulat niya (hindi ko lang nga alam kung stored quote ba ito para sa lahat) nang pirmahan niya ang favorite kong, “Wag Lang Di Makaraos”,

Kay Gie, Salamat at kahit paano, nagkasalubong tayo sa pahina ng salita.

Kaya para sa lahat, lahat, lahat, lahat ng kwento, tulong, (pagkain), gabay at payo.

Ty, ty, ty at ty uli. As in. J


PS.  Kailangan ko lang ‘tong i-share, mapapangatawanan ko ang pagsasabing.. wala akong ni isang absent sa workshop na’to. Ako lang talaga ang hindi umabsent sa grupo (opkors maliban sa inyo haha). At sa buong buhay ko, ngayon lang ako may perfect attendance! YEY!

PPS. Pansin ko lang, puro pagkain ang laman ng essay ko. Napaghahalataan talaga ako. Haha.


No comments :

Post a Comment