Bahala Na
ni
Ryan Jamil Vasquez Arioja
Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong
hindi ako magaling sumulat.
Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong
lalaitin niya mulo buto hanggang kaluluwa ang mga kwentong gagawin ko.
Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na wala akong
nabasa kahit isa man lang sa gawa niya (maski mga nobela).
Sumali ako sa workshop ni Sir Eros kasi sa totoo
lang natripan ko lang.
Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong
matututo ako, may matutunan ako, at magagamit ko yung mga matututunan ko.
Hindi ako umasa na matatanggap ako. Dalawang page
nga lang ang biodata na ibinigay ko sa kanya, double spaced na, yung picture ko
doon 2010 pa kinuha. Isang malaking suntok sa buwan ang ginawa ko, o pwede na
rin nating sabihing isang malaking kabaliwan. Naguilty nga ako eh, kasi
nag-apply ako para wala lang. Inisip ko na para kong binastos si Sir Eros, na
kahit hindi ko pa nababasa ang mga gawa niya, ay alam ko namang mataas ang
reputasyon sa mundo ng literatura. Nung pinasa ko yung gawa ko, isa lang ang
nasa isip ko nun. Bahala na.
Pero hindi ko akalaing matatanggap ako.
Naglalakad na ako pauwi ng bahay ng may nagtext na random number na nagsasabing
(non-verbatim, matagal ko nang binura itong text na ito) ‘Congratz, isa ka sa
mga natanggap sa aking workshop...’ Medyo natuwa na nabigla na kalmado lang ang
reaksyon ko nun, kasi inaasahan kong medyo marami pa rin kami kahit papaano,
mga 30+ siguro. Nagulat na lang ako nang makita ko sa Facebook na higit pala sa
400 ang nagpasa. Yung ‘Bahala na’ sa isip ko, napalitan ng dalawang tanong: (1)
Anong nakain ko o superpowers na binasbas sa’kin ng lahat ng Bathala sa mundo
at nakalusot ako? (2) Anong nakain ni Sir Eros at pinalusot ako?
Eto pa, mas natuwa pa yung mga kaibigan ko na
nakalusot ako. They’re like “Sir Eros?!? OMGG!!! Ang galing galing mo blah blah
blah ang galing galing niya blah blah blah at blah blah blah.” Hindi ko talaga
alam itong pinasok kong ito, pero gaya nga ng nasabi ko, paninindigan ko na
lang.
Sa mga nagdaang mga meeting, sakto lang pala si
Sir Eros sa personal sa Sir Eros na naiisip ko. As usual, malakas mang-alaska,
pero maalam sa kanyang ginagawa. Walang kahirap-hirap na makaisip ng mga banat
na nakakatawa, pero seryoso rin pag trabaho na ang usapan. Naalala ko tuloy sa
kanya si Sir Delos Reyes, ang unang guro ko na makata. At hindi naman lingid sa
kaalaman ko na magkakilala sila. Hell, napakaliit lang ng mga sirkulo ng mga
writers sa bansa, sa loob pa kaya ng UST.
Totoo, marami akong natutunan sa kaniya.
Nakakainspire rin siya kasi nagpapasa siya ng kanyang mga nalalaman sa aming
mga baguhan dahil lang sa pagmamahal niya sa literatura. Hindi nga lang alam ng
lahat na malaki rin ang pressure sa akin nitong workshop na to. Napakatamad ko
pa namang tao, lalo na sa pagsulat. Kada Sabado noong summer nag-iisip ako ng
kung anong rason makapunta lang pabalik sa Manila. Nasa Laguna kasi kami noon,
at medyo tutol ang ama ko sa pagsulat (as expected), though alam niya na may
workshop akong pinupuntahan. Basta ayun, kung anik anik na lang ang gagawin,
makapunta lang sa workshop.
Gusto kong magpasalamat kay Sir sa lahat, sa mga
aral, sa mga bagong bira, sa mga technique, sa merienda, et cetera. Masasabi ko
ngayon na matapos ang workshop na ito, nagdadalawang isip na tuloy ako sa
kursong kinuha ko.
No comments :
Post a Comment