My
Dream Professor
ni Ma.
Kristina Magno
Simula bata pa lang
nakahiligan ko na ang pagsusulat. Kaya simula nung araw na lumipat ako ng
University of Santo Tomas, ang una kong tinanong ay “May Filipino Subject pa ba
tayo ngayon?”
Bilang lahat kami
noong mga panahong ‘yon ay first year pa lang. Hindi namin alam ang kasagutan.
Kaya tinanong naming ito sa isa sa mga irregulars na pumapasok sa aming klase.
Ayon sa aming babaeng irregular “Retorika” raw ang isa sa mga Filipino subjects
na dapat naming kasabikan. Lalo na nagtuturo raw nito ang isa sa mga kilalang manunulat
sa bansa na si Eros Atalia. Noong mga
panahong ‘yon ay nahihiligan ko pa lamang ang pagbabasa ng mga dula kaya hindi naging pamilyar sa
akin ang pangalan. Basta ang naaalala ko, noong mga oras na’yon kuminang ang
aking mga mata sa tuwa at kasabikan na maging professor ko si Sir Eros Atalia.
Dumaan ang ikalawang
taon ko sa unibersidad at hindi pa rin nawala ang aking kasabikan sa ikatlong
taon ng pag-aaral. Dito ako unang nanalo ng “Honorable Mention” sa dulang may
isang yugto category ng Gawad Ustetika. Sa unang beses doon ko nakita ang
professor na matagal na nilang nababanggit. Ang sabi ko sa sarili ko “Konting
panahon nalang at magiging professor na’rin kita!”
Sumapit ang aking
ikatlong taon ng pag-aaral. Ikalawang semester pumasok ang “Retorika.” Naaalala
ko pa noong mga panahon na hinihintay kong pumasok ang professor naming sa loob
ng classroom. Sobra-sobrang tindi ng pagdadasal ko na sana si Sir Eros yung
makita ko pagbukas ng pinto. Ngunit sa kasamaang palad, nakapalda ang pumasok.
Sobrang nadismaya ako sa nakita ko. Sobrang nadismaya ako sa mga pangngalan,
pandiwa, at pang-uri na itinuturo ng nakapaldang propesor sa Retorika. Hindi ko
naisip na yung hinintay ko ng halos tatlong taon ay magiging ganito lang.
Palagi akong kinukwentuhan ng mga kaibigan ko mula sa Journalism kung gaano ka-saya at ka-creative ang retorika class nila. Doon ko nalaman na hindi pala
nagtuturo ng Retorika sa Asian Studies si sir Eros. Sa sobrang pagkalugmok, inisip
kong i-drop nalang ang Retorika ko at kunin ito sa Journ. Ngunit dahil ito ay nangangailangan ng mahabang proseso,
hindi ko na naituloy. Pagkalipas ng
ilang buwan, dumating na naman ang buwan ng Gawad ustetika. Naaalala ko pa na
deadline na ng application at doon palang ako nag-aasikaso ng mga requirements.
Umuwi na halos lahat ng English at Filipino Professors. Pero naabutan ko sa
isang klase si Sir Eros. Naglakas loob ako na lumapit at magpapirma sa kanya
kahit na hindi niya ako kilala at ni-minsan ay naging estudiyante.
Hanggang sa isang
araw, nagkalat ang isang balita sa buong Artistang Artlets na magbubukas ng
isang workshop si Sir Eros para sa mga aspiring writers at gusto matuto
magsulat ng maikling kuwento. Bilang sanay na ako sa pagsusulat ng dula,
naisipan kong sumali upang malaman ko kung
tama ba ang pagpili ko ng Asian Studies o pagsusulat nga ba talaga ang
gusto kong tahakin. Hanggang sa isang araw habang naghihintay ako ng resulta ng
Gawad Ustetika, sinabi na inurong daw ni Sir Eros ang deadline ng application
para sa kanyang workshop. Inisip ko kung ito ba ay isang sign na sumali ako? O
isang sign na kalimutan ko na? Hindi ko alam, pero sinubukan kong huwag
palampasin ang pagkakataon. Sumapit ang gabi ng Gawad Ustetika, at sa
kabutihang palad ako ay ginawaran ng “2nd Place” sa kategoryang
dulang may isang yugto.” Nung gabing iyon nakita ko na naman Si Sir Eros at
naisip na “Siguro nga… ito na’yon. Kailangan na kailangan kong makasali sa
workshop niya.”
Sa kabutihang palad,
ako ay nakasali sa workshop ni Sir Eros. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan.
Na may isang manunulat na nakakaintindi sa’min katulad niya. Katulad niya na
dumaan din sa kaliwa’t-kanan ng mga pilian kagaya namin. Lumipas ang isa,
dalawa, tatlo, apat, hanggang limang meeting. Kahit na summer at pinapagalitan
ako ng aking nanay.. sobrang nag-eenjoy ako dahil sa mga natututunan namin at
doon ko naisip na tama ang sinabi nila tungkol kay Sir Eros.
Paglipas ng ilang
linggo, doon ko napagtanto na hindi pala lahat ng bagay ay makukuha mo.
Na-kahit gaano mo ka-gusto, hindi lahat
ng bagay ay makukuha mo. Nanalo ako
bilang bagong presidente ng Artistang Artlets. Pumapasok ako ng directing
workshop araw-araw. May ilang mga bagay
na nangangailangan ng mahabang preparasyon sa organization bakasyon pa lang. Doon ko naisip na siguro nga hindi
ako pwedeng maging selfish ngayon. Na hindi lang para sa sarili ko ang oras ko.
Nung mga oras na’yon hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sir Eros na hindi
ko na maitutuloy ang workshop. Sobrang hirap, dahil alam ko na itong workshop
na ito ang makakatulong sakin magdesisyon ukol sa mga bagay na tatahakin ko
pagtapos mag-aral. Ngunit sa kabila ng lahat ang sagot lang niya ay..”Pwede pa
naman kayo humabol.”
Sa mga salitang ‘yon
ako mas nakaramdam ng lungkot at hiya dahil sa kanyang kabutihan na ipinakita.
Na yung professor na hinintay ko ng maraming taon ay kailangan ko rin palang
i-let go. Ngunit ang mga salita ring ‘yon ang nagbigay sa’kin ng lakas
na…siguro…siguro sa hiniharap. Siguro kung para talaga kami ng pagsusulat kahit
na anong mangyari magkikita at magkikita pa’rin kami sa huli. Gaya ng isang
pintuan na binigay sa akin noong nabigyan ako ng chance na maging propesor ri
Sir Eros.
No comments :
Post a Comment