Monday, July 1, 2013

Peksman (Wala Naman Sanang Mamatay)

Peksman (Wala Naman Sanang Mamatay) Nagsasabi Ako ng Totoo (At Iba Pang Ranting Ko About Kay Eros Atalia At Bahala Na Kung Sino Ang Trip Maniwala)
ni Chenley Cabaluna

Nabasa ‘ko ang unang libro ni Eros Atalia under Visprint publication ng hindi sinasadya.

Kase ganito yun, bibili sana ako ng book ni Bob Ong na MacArthur ata, or Kapitan Sino or… basta yung mga kasabayan ng Peksman. Eh pagdating ko sa Fullybooked sa may Gateway (yaman ko loljk) out of stock na sila. As in yung parang nangyari sa Twilight series (gusto ko sana i-bash ng bonggang bongga ang Twilight series kaso dapat tungkol kay Sir Eros tong essay na’to so next time na lang atsaka nakita ko yung Twilight books sa library ni Ricky Lee, haha owemgee! Sana di n’ya rin nagustuhan, anyways) at dun sa 50 Shades of Grey/Gray? (hindi ko talaga maunawaan bakit trip ng marami yan, eh parang Xerex lang naman ang datingan or yung sa mga Filipino romance pocketbooks, anyways, balik kay Sir Eros)

Nabasa n’yo ba yung first paragraph ko? Ansakit sa ulo noh, nakakahilo. Andaming ideas tapos diredirecho, walang patid, walang preno at parang may kaaway lang ang peg. Ganyan ang pakiramdam ko nung binasa ko yung Peksman. (Shittt ayoko ng ganyang way ng pagsusulat, pero napansin ko, halos ganyan din pala ko magsulat, bakit ganun? Karma? Huhu!)
Ay shit, nakalimutan kong kinukwento ko nga pala yung hindi ko sinasadyang pagkabasa ng Peksman. So yun nga, naghanap pa’ko ng ibang Filipino author na pwedeng i-patronize maliban kay Bob Ong. Nakita ko katabi ng mga books ni Bob Ong yung Peksman. First impression ko, ampangit ng cover.

Kase dahil pangit yung manong dun sa cover? Or hindi ko gusto yung font na ginamit sa title? Pero dahil sa kapangitan n’yang taglay, nakuha n’ya ang attention ko at nacurious ako, at wala kaseng bukas na book nun (sayang, kakainis) so napilitan akong bilhin haha!

Tapos yun nga, sinimulan ko na s’ya basahin. Huhu, ansakit talaga n’ya sa ulo. Maganda naman yung mga paksang tinatalakay plus makakapulot ka rin ng mga ginintuang aral, kaso grabe talaga, parang sumali ako sa international debate or sa senate hearing while reading the book- napagod ako sobra.
Hindi ko alam kung bakit ako ni-nosebleed habang binabasa ko yung book. Dahil ba 1)Hindi ako masyado nagbabasa ng mga Filipino novel at nanibago lang yung utak ko 2) High form of art yung sinulat ni Eros and I’m nothing but such a humble lowly human being 3) Nasanay ako kay Bob Ong na magaan lang yung way ng pagsusulat or 3) Ayaw ng panlasa ko si Eros.

Ano man ang reason behind sa hindi ko pagka-appreciate ng writing style ni Eros d’yan sa Peksman, hindi na ‘ko nag delve deeper kase tapos na nun ang break time ko at kailangan ko na uli harapin ang makakapal ‘kong Medical Surgical Nursing book. (Nursing student pa ‘ko ne’to)

Binaon ko na sa limot si Eros at ang Peksman after ng hindi ko sinasadyang pagbabasa ng Peksman incident. Nadala ako. Natraumatize. Nagka cerebral hemorrhage.

Tapos recently lang napanuod ko yung indie film na Ligo na U, Lapit na Me. Mula daw sa panulat ni Eros Atalia.

And I’m like OMG.

What? Eros Atalia? Yung dinitch kong author? Yung nirepress ko na sa memory ko? Chos.

Nagandahan ako sa movie ng sobra. Although bastos yung movie kase sex ng sex si Mercedes Cabral at Edgar Allan Guzman, hindi siya bastos. Inspiring siya. Makabuluhan. Nakakaiyak. Basta.

Tapos hinanap ko ‘kagad yung Ligo na U, Lapit na Me book. Hinanap ko siya na parang may unfinished business ako kay Eros, na parang hindi ako nakipag break ng maayos at baka may second chance pa.

Naks meron.

RANTING ALA FAN GIRL:  Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko after ko mabasa yung book na ‘yun!!! Huhu! Nagsisisi na’ko sa mga pagkakasala ko, heto nagrerepent na’ko, char!

Ang ganda. Ang galing. Masterpiece. Umayon kaya yung book sa panlasa ko dahil merong mga sex scene? Ewan. Hindi naman siguro. Maganda lang talaga yung book, period.

SERIOUS MODE NA: Salamat at nagkaroon ng mga Filipino author kagaya ni Eros Atalia sa panahon ko. Kase diba, aminin na natin, nagbabasa lang tayo ng Filipino novels pag requirement sa school. Karaniwan ang nagbabasa lang ng mga Filipino novels para sa kanilang past time ay yung mga hobbyist, or yung mga academe people, pero yung madlang people, hindi gaano. Or hindi talaga. Pero nung dumating na kayong mga awesome na Filipino writer, gumanda ang writing industry (may ganun ba?) Yung ibang Filipino author, nabigyan din ng pansin kase ang tendency ng mga tao pupunta sa bookshelf na andun yung mga book nila Eros, eh katabi yung book nung mga unknown writer, eh makucurious, bibilhin na rin yung unknown writer. (Ganito kase ako, haha)

Tapos yung madlang people, nagbabasa na sila. Nakakatuwa makakita ng mga grade school, high school at college people na nagbabrowse ng books. Filipino books pa. Parang nung unang panahon hindi ko nakitang mangyayari pala yun. Pero ang galing, nangyari s’ya! Haha!

And lastly, thank you kase naka inspire kayo ng madaming writer. Young writers. New writers. Aspiring writers. Writer wannabees. Isa na’ko sa mga yan. Kayo ang nagbukas ng pintuan para sa’min. Naks.


Maraming salamat Sir Eros.


No comments :

Post a Comment