Construction
Site
ni Merl Peroz
Bawat
arkitekto ay may vision. Nakikita niya ang kalalabasan ng tinatayo niyang
building. Alam niya ang gagawin para
maging matibay ang pundasyon. Alam niya ang gagawin upang hindi gumuho ang
interior at mag-mukhang disente ang exterior.
Si
Eros Atalia ay nakakabuo hindi lang ng isang building kundi ng isang universe
na may matibay na pundasyon at istraktura. Maayos ang pag-kakalatag ng plano,
kaya madaling mapakinggan ng kung sinong mang-gagawa. Matatag ang bawat character
ng kanyang mga storya kaya hindi mapapatumba ng kahit sino. Makinis ang
pagkakalapat ng mga plywood at iba pang disenyong akmang akma sa kanyang mga
likha.
Pero
hindi lahat ng arkitekto ay may tapang, sapagkat iilan lang ang ay may
kakayanang tumaliwas sa nakagawiaang arkitektura. Isa na nga si Eros sa mga
pasaway.
Kung
maging construction worker nga si Eros Atalia ay siguro hahalukayin niya ang
semento sa kakaibang pattern. Lalagariin niya ang mga materyales hindi gamit
ang lagare kundi ang bread knife. Hindi naman sa pinahihirapan niya ang sarili
niya, kaya niya lang talagang umalis sa kombensyon at tumuklas ng ibang paraan.
Nakikita niya ang mga sahig, pader, poste at bubong hindi bilang parte lamang
ng pundasyon, ngunit bilang mga kaibigan na makakapagkwento sakanya ng mga out
of this world na ideya.
Gayunpaman,
kahit matayog na ang narating ng ating Forman, ay magugulat ka dahil handa
parin siyang maging taga bili ng bigas para sa mga karpintero niya.
Akalain
mo nga namang isang Palanca winner pero kapag kumakain sa KFC eh nag-kakamay pa
din. Naka-ilang best selling na libro na pero nag-mimistulang clown sa party ng
kanyang mga estudyante.
Madalas
kapag sweldo na sa construction site ay magkaka-bayaran na ng utang o kaya
naman ay wala ng masyadong natitira dahil puro bali na. Eh dahil nga mataas na
ang katungkulan ng kotraktor nating si Eros, malaki na ang kita niya. Pwede
namang kanya na lang, ipunin niya na lang para mas marami siyang mapatayong
building. Pero hindi, ipangungutang pa niya ang pero o di kaya’y ipanglilibre
sa mga kasamahan.
Kasing
tibay ng statue of liberty ang personalidad, kasing taas ng eiffle tower ang
nalipad pero kasing lambot ng hinahalong semento ang puso.
Sa
dalawang semester at isang buong summer kong naging guro si Eros Atalia ay ni
minsan ay hindi ko siya nakitang mag-wala dahil sa galit. Kapag maingay ang
klase ay tatahimik lang siya at makikiramdam. Nakakahiya bilang estudyante ang
respetuhin ka ng guro mo kung siya nga ay hindi mo pinapakinggan.
Noong
minsan pa ngang nalate kami ng mga ka-workshop ko papunta sa bahay ng batikang
manunulat na si Ricky Lee, kalmado niya lang kaming sinabihang, “May maabot nga
tayo sa disiplina niyong ganyan.”
Mas
tumatatak pala kapag subtle ang pag-kakasabi.
Mapapaisip ka pa kasi ng malalim, sa sobrang lalim hindi mo na
makalimutan. Sa sobrang pagkakatatak, maiiwasan mo ang pag-ulit.
Isa
nga siguro ako sa mga binubuong building niya. Bukod sa respeto at sa utang na
loob, hindi ko makakalimutan na dapat ang pag-likha ay para mag-mukhang
magaling. Ngunit para mas maintindihan ng nakararami. Maintindihan ng mga di
nakakaintindi at di marunong umintindi. Patuloy kong ipapaabot ang aking mga
sinusulat sa mga taong nais matuto, sa mga taong gusto ng pag-babago. Dahil ang
literatura ay hindi lang para sa nakakabasa, para ito sa mga umiintindi at
iintindihin.
Skyscraper
na nga si siya. Balang araw titingin din ang akademya. Kailangan natin ng mas
maraming Eros Atalia.
Scary.
No comments :
Post a Comment