Series of Erotic Events
ni Sherina Mae Inza-Cruz
Ira-rationalize ko lang naman dito kung paano ko ba naging idol
si Sir Eros.
Naks! Hahaha. Actually mapili ako sa mga iidolohing tao dahil
ayoko nang nasasama sa bandwagon or mainstream, sa katunayan nung HS ako ayoko
sa mga gawa ni Sir Eros, bukod sa masa ang readers ni Sir, e ayoko ng part na
kinukumpara siya kay Bob Ong.
Arte ko e. Hahaha.
At dahil maproseso akong tao at lahat ng bagay ay may back story
or motivation (na lahat ng bagay na nangyayari ay may reason), eto ang mga
pangyayari bago ako napasama sa mga umiidolo kay Eros Atalia:
1.) 4th year HS. Ang unang libro ni Sir na sinubukan
kong basahin ay ang Peksman. Ang daldal, galit ka? Binitwan ko after ng ilang
pahina at di na muling binuklat. Pero forever ko naririnig sa mga kaibigan ko
na sobrang gusto nila si Eros Atalia at na sya daw si Bob Ong. No comment ako.
2.) 3rd year college. Retorika class. First time kong
nakita si Sir Eros. Hmmm. Nakaka-star struck pa rin pala in person ang isang
batikang manunulat kahit hindi mo naman idol. Hahaha. Ang cool niya lang.
Sobrang saya ng mga kaklase ko nun kasi may nasagap akong balita (tapos shinare
ko sa kanila) na magaling si Sir Eros magturo ng Retorika. So…
Jackpot! kami ng blockmates ko. Hahaha.
Ayun, napatunayan kong hindi kasinungalingan ang balita,
magaling nga magturo si Sir ng Retorika. Lagi nga akong naka-auto kilig nun
kapag pumapasok na siya at nagtuturo. May certain magnet kasi sa’kin ang mga taong
magaling magturo at magsulat at the same time. Nakaka-inspire lang ba.
3.) Bakasyon, Artistang Artlets orientation. Nag-offer si Sir na
magpa-scriptwriting workshop sa AA kasama sina Sir Chuckberry Pascual at Sir
John Dennis Teodosio. Tapos libre. Ang bait lang ni Sir Eros forever.
4.) AA major production, season 32. Pina-require ni Sir na manuod
ng play na huli kong idederek ang mga studyante niya, nakaka-touch e, kahit ba
di nya alam na ako mag-dedereha. Tapos para manuod talaga yung mga klase niya,
pinagawa niya pang Finals. Sweet. Tapos sinasama niya pa kami sa raket niya,
sayang natyetyempuhang busy ang AA.
5.) Manok Tigok Tibok: AA collaboration with Sir Eros Atalia.
Creative Writing Center art event. Ganda nitong performance na’to. Hahaha. Conceited.
Pero gusto ko talaga yung output namin dito. Anyway, project to na
pinagkatiwala ni Sir Eros sa AA, isang site specific performance. Sobrang
nagpapasalamat kami sa platform na to: an avenue to create. We’re greatful kay
sir Eros kahit medyo gulatan ang pagkaka-offer sa’min ng project na ‘to.
Hahaha. Pero lagi kaming magpapasalamat sa walang sawang suporta ni Sir Eros.
Hahaha. Parang may mali. Haha. Chos lang po.
5.5) Most Unforgettable Moment with Sir Eros.
Nagpapapirma ako ng mga libro, kakabili ko lang, ipangreregalo
ko. Hahaha.
Sir Eros: O nagpaloko ka na rin? Bakit ka bumubili ng mga
ganitong walang kwentang libro?
Ako: Ganda Sir e. Sarap pang-regalo.
Sir Eros: Pangalan?
Ako: Nathaniel po.
Sir Eros: (nagsusulat) Eto na ba boyfriend mo ngayon?
Ako: Ai hindi po, sir.
Sir Eros: (tumingin sa’kin) Ai hindi na nga pala boyfriend hanap
mo ngayon.
Ako: Grabeeee. Hindi po ako tibo. -_-
Sir Eros: Ikaw nagsabi niyan.
Ako: Ansamaaaa…
Katahimikan.
Sir Eros: Basahin mo yung libro kong It’s Not That Complicated.
Bagay yun sa’yo.
---
Ok, sa mga hindi pa po nakabasa ng book na yun, may part yun na
tungkol sa mga tibo. -_-
Maraming natawa sa’kin nung kinuwento ko ‘tong conversation na
to with Sir Eros… Hmmm. Gawing play? Isa lang? Hahahaha.
;)
6.) Short story writing workshop. Nag-offer si Sir Eros ng
libreng workshop, eto yun, sumali ako, hindi nya mahindian ang mga Thomasians.
Hahaha. Tinanong niya ko kung bakit gusto kong matuto magsulat ng short stories
e marunong na ko magsulat ng dula, tapos sabi ko idol ko kasi siya tapos
feeling ko di sya naniniwala. Hahaha. Pero totoo, idol ko na sya nito. Nabasa
ko yung book niya na Wag Lang Di Makaraos tapos sobrang bilib na bilib ako, may
mga taong sadyang may talent sa pagsulat tapos mapursige pa. Nakaka-inggit na
nakaka-inspire. Hahaha. Isa si Sir Eros sa dahilan bakit gusto ko magturo sa
UST at makapagsulat ng libro. Walang halong pagro-romanticize, napakabait ng
taong ‘to at sobrang galing. Muntik ko na nga ligawan si Sir e. Hahaha. Chos
lang po.
Makaka-asa si Sir na babaunin at ia-apply ko lahat ng natutunan
ko sa workshop na to. At na one text away lang ako kapag may kailangan siyang
tulong na pwede ko sya matulungan. Nagpapasalamat po kami ng maraming-marami
kay Sir Eros. Hahaha. Babatiin ko po siya ng Happy Father’s Day taun-taon.
Peksman! J
No comments :
Post a Comment