“Sasama
ka?! o Sasama ka?!”
ni Don
Evaristo
Hindi
ko alam kung bakit ako kasama...
Isa
lang naman ako sa mga daang-daang nag apply sa libreng workshop na walang bigat
ang papel na may kalakip ang sample story na walang asim at anghang ang timpla.
Tapang at kapal ng mukha ang armas kong dala para mapabilang sa mapipili.
“Bakit
kita kukunin sa workshop?”
“Gusto
ko pong matuto...”
Walang
kwentang sagot, tingin pa lang sa akin talo na, pero okay lang kasi kahit
papaano ay gumawa ako ng paraan kahit na alam kong palpak.Lumipas ang maraming
mga araw hindi ko na inasahan pero paminsan-minsan ay umaaasa na baka
matatawagan kahit sa panaginip pero ang panaginip ay pwede pala ang maging
totoo.
“Congrats!
Isa ka sa natanggap sa aking workshop”
Tuwang-tuwa
na hindi maipaliwanag, dahil meron nang isang hakbang na natupad paakyat sa
hagdan ng pangarap na tinitingala paitaas. 1-2-3-4th meeting teka,
hindi pala madali at hindi dapat magmadali dahil marami pa pala akong bigas na
dapat kainin na akala ko ay matigas na ang aking buto para makipagbanggaan.
Tinuruang
mag obserba, makinig, makisama, palawakin
ang kamalayan, paliparin ang imahinasyon, kilalanin ang sarili at mangarap
gamit ang sandatang lapis at papel subalit hindi lahat ng turo niya ay kaya
kong gawin dahil hindi naman ako si Eros Atalia isa lamang ako sa mga taong
nasa likod niya pero may simpleng pangarap na nais matupad na ngayon ay alam ko
na kung bakit ako kasama...
No comments :
Post a Comment