Wala Akong Maisip Na
Title Kasi Kung Anu-Ano Lang Ang Sinulat Ko Dito
ni Rijel R. Reyes
Nakilala
ko si Eros Atalia noong nagpers yir college ako sa Unibersidad na Sawa na sa
Tubig.
May parang talk kasi noon sa Tan Yan
Kee (student center ba ang TYK? Hindi ko
sure) pero hindi ako pumunta kasi tinatamad ako. Ang daming pumuntang
mga kaklase ko. Mga dalawa. Joke. Mga apat. Funny daw at parang Bob Ong ang
atake ni Atalia. Parang ang pangit naman ng ganung impression k’ako –
kinukumpara at nakikita ka sa anino ng iba.
Hanggang sa nabasa ko ang Peksman at
Ligo Na U. Tulad ng iba, kinumpara rin kita sa kanya. Given na ang pareho
kayong nakakatawa. Pero sa’king palagay, may mas pinagdadaanan ka (kung ano man
yon ay hindi ko na alam).
Joke lang. Magaling kaya tatay-tatayan
namin. Ahe he he.
So naging pormal ang pagkakakilala
ko kay Atalia noong terd (3rd) yir. Naging propersor ko siya sa
isang subject kung saan kailangan namin gumawa ng parang baby thesis. Ayos lang.
Sa awa ng Diyos, kinaya naman.
Doon ko nalaman na hindi pala
kailangang maging seryoso para seryosohin at magsalita ng seryoso sa hindi
seryosong paraan. Tulad nang ikuwento niyang hindi niya maintindihan ang mga
nag-aalaga ng aso. Dinadamitan, binibigyan ng bahay, katabi matulog,
pinapakain, pinapamanicure/pedicure pero kapag sa ibang tao, hindi kayang
gawin. “Man’s bestfriend hayop?! Bespren mo aso imbis na tao?!” Ayun. O di ba?
May pinaglalaban siya? Joke. Ahe he he.
Duon ko rin nalaman na ang burnik ay
ang pinakahabang buhok sa ating katawan. Direktang konektado ito sa mga tissue,
masel, at nerves sa mukha, partikular na sa mata, bibig at ngipin. Bilang
pruweba niya, kapag hinatak ang burnik, mapapapikit ka. May mataas na tsansa
din na mapapakagat labi.
Sa hindi malamang dahilan, siya na
naman ang propesor ko nu’ng sikand (2nd) sem. Sa Retorika naman. Mas
masaya to. Nalaman kong mahalay pala ang Leron Leron Sinta at Paruparong Bukid.
Medyo na-ulol ako kung bakit tinuturo yun sa mga bata? Isa rin akong biktima.
Dito ko rin nalaman na si Gary Granada ay isang dakilang mangingibig.
Lalo kong nakilala si Eros nang isa
ako sa mga pinagpala ng mahabaging langit na makapasok sa kanyang fiction
writing clinic.
So, ayun nga.
Sawang-sawa ako o kami siguro sa
pang-aalaska niya sa aming mga katha. Paduguan ng manuscript. Mas madugo mas
masaya kasi mas marami siyang pang-aasar na gagawin. Lalo na kapag close
reading. Titingnan kasi kung lohikal ba ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap at pagkakaayos ng mga salita. Kapag hindi, ewan ko na lang.
Gayunpaman, natuto ako. Bukod sa
mang-alaska at magsulat, pinakamaligaya ang eat and run.
No comments :
Post a Comment