Uhaw na Panda Bear
ni Iza Maria Gonzalez
Si Eros Atalia?
Unang
tumatak sa’kin si Eros Atalia nang minsang may lecture chorva at ni-require ang section namin na mag-attend.
1st year ako – 1st semester, banang-bana pa ako sa kahit
ano sa UST. Nakalimutan ko na kung saan at tungkol saan ang lecture, (sa dami
ba naman ng lecture na nirequire kaming attendan sa loob ng anim na semester),
basta sa pagsusulat. Nakalimutan ko na din sino ‘yung dalawa pang nag-talk. Si
Eros Atalia lang ang tumatak, kasi since nag-UST, ‘yun ang first time ko na
humalakhak na medyo scary sa sobrang lakas.
Pa-demure pa ako n’ung una at tinatago ko pa
ang wild side ko bilang kaka-college ko lang at gusto kong magkar’on ng medyo
babaeng image. Pero ‘di ko napigilan ang tawa kong kulang na lang mangain ng
tao sa sobrang nganga sa talk ni Eros Atalia. Nagpakita siya n’un ng mga slides
ng ilan sa mga flash fiction niya, at elib na elib ako. Nanliit ang
nagfi-feeling na writer sa katauhan ko.
Bullet
sa puso n’ung sinabi niyang may writer na nagsusulat ng ‘moral lesson’ sa huli.
(Aray, ako ‘yun) May mga nagsusulat tungkol sa napakalaking mga problema tulad
ng kahirapan na ang dami-daming beses nang nakwento (Aray, ako ulit ‘yun) at
may mga nagsusulat at natutuwang hindi naiintindihan ng mga readers ang
sinusulat nila, na sila lang ang nakakaintindi (Aray, ako na naman). Unang
beses ko pa lang siya narinig magsalita, ang dami kong na-realize na maling
ginagawa ko. Medyo masakit sa self-esteem, pero nakatulong.
Akala
ko ‘yun na ‘yon. Akalain mong magiging professor ko pala siya pagdating ng 3rd
year, 1st sem, sa Filipino 2. Siya ang unang prof na pumasok ever
n’ung semester na ‘yun. Ilang subject na ang pinapasukan namin pero laging
walang prof, bakasyon mode pa yata sila. Kaya akala ko talaga hindi siya
papasok. Malas pa ako n’ung araw na ‘yun dahil na-lock ang pinto ng kwarto ko
sa dorm at naiwan ko susi sa loob. Nakailang dasal din ako sa mahabaging langit
ng “sana walang prof, sana walang prof.”
Pero
pumasok si Eros Atalia. Si Eros Atalia, na ngayon, si Sir Eros na.
Nanghiram pa ako ng uniform. Dala ko pa lahat
ng gamit ko (fresh luwas from Pampanga) sa klase niya. Badtrip na badtrip ako.
Akalain mong good vibes bigla kasi, no exaggeration, sobrang saya talaga ng
klase niya. Sobrang cute niya pa mag-discuss. Parang may panda bear sa harap na
medyo malikot at uhaw (inom siya ng inom, lagi siyang may dalang tumbler).
Minsan sobrang lumanay niya magkwento tapos magugulat ka na lang. Sisigaw ‘yan
pag nasa climax na kumbaga ng lecture. With matching gigil-hand gestures.
Prof
ko din siya sa Retorika, 2nd semester. Okay, walang halong bola, I
swear to the heavens above, favorite subject ko ‘to. Jusko, eto lang ‘yung mga
readings na feeling ko sulit ang pera na binayad ko. Medyo nakakakaba lang ‘pag biglang
magpapagsulat si sir Eros on-the-spot sa classroom. Medyo matagal-tagal kasi
ang proseso ng katawan ko bago makapagsulat. Regardless, sa Retorika ako
tuluyang na-inlove sa pagsusulat sa Filipino. Kahit unrequited love at ‘di ako
sigurado kung kailan niya ako mamahalin.
Eros
fanatic talaga ako. Kasama ako sa sambayanang magti-tweet pagkauwi ng “Ang saya
sa klase ni sir Eros kanina #SirErosIsLove” O kaya ‘yung mga quotable quotes
niya for the day. “Walang taong special. Kung puro special, sino na lang ang
normal? (Atalia, 2012).”
Pero mas Eros fanatic ‘yung lalaking
pinapatansya ko. *insert evil laugh here* Siya ‘yung nag-chika sa’kin tungkol
sa workshop. Siya din ang nangulit sa’kin tungkol sa mga requirements (bio-data
at sample na gawa) at kasama ko din siya n’ung screening. Sigurado akong sa
sobrang pagmamahal niya kay sir Eros matatanggap siya sa workshop. Ako naman,
moral support lang talaga niya n’ung araw na ‘yun, pero syempre, hihi, umaasa
din ako.
Hindi
ko naman lubos akalain na isa ako sa mga super swerteng nilalang sa planet
Earth na makakapag-workshop under the Eros Atalia. At sa loob ng ilang session,
masasabi kong marami akong natutunan at lalo pa akong na-inlove sa pagsusulat.
Kahit
n’ung nangangalahati na ang workshop sessions at tinanong ako ni sir Eros kung
AA ba ako, bakit daw lagi akong absent (sir Eros dalawa pa lang po ang absent
ko, ‘yung book launching at ‘yung talk sa UP), at kahit na tinawag niyang
‘mongoloid’ ang character ng kwentong pina-workshop ko, at kahit na binubully
niya ako at tinatawag na Mrs. Pereña dahil dalawang magkasunod na linggo akong
naka-violet, at kahit na inaapi niya ako at sinasabing wag pakainin ng carrots
at kamatis ang boyfriend ko dahil baka luminaw ang mata, (at oo, natutunan ko
sa workshop na nakakahingal na ang sentence na ‘to), abot-tenga ang ngiti ko
n’ung unang beses niyang tinawag ang pangalan ko. “Iza, Iza, kain o,” sa bahay
ni Ricky Lee at sa harap ng mesa na may donuts na ‘di namin alam kung chocolate
ba o monggo ang flavor. Sabi ko sa sarili ko, “oh shet sa wakas, kahit patapos
na ang workshop, kilala na ako ni sir Eros!”
Si
Eros Atalia.
Sir,
maraming salamat po sa libreng meryenda (minsan dinner) tuwing workshop.
Maraming salamat din po sa libreng pamasahe sa bus (n’ung sa Las Piñas) at sa
taxi (n’ung binisita natin si Ricky Lee). Maraming salamat din po sa
3742395848574354 na tawa. Maraming salamat po dahil ang dami kong natutunan sa
Fiction Writing Clinic na ‘to at mami-miss ko talaga ‘to.
*insert
buntung-hininga* Sana kami na lang ulit ‘yung 2nd batch.
No comments :
Post a Comment