Sunday, July 7, 2013

Ricky Lee

June 15, 2013. Maraming salamat kay Sir Ricky Lee, sa pagbubukas ng kanyang tahanan at ng napakagandang library para sa amin. Pati na rin sa pagbabahagi ng mga tips at kwento hindi lang sa pagsulat, pati rin sa buhay bilang isang manunulat. Last Saturday meeting ng The Erotics. :)


with Sir Ricky Lee

with Sir Ricky Lee

Monday, July 1, 2013

Sa Uulitin

Sa Uulitin
ni Jen Karen Lynn A. Tan


Di ko pa siya nakikilala, nababasa ko pa lang ang mga gawa niya parang gusto ko na ring magsulat. Di ko na babanggitin ang husay nitong si Sir Eros Atalia sa pagsusulat, pagsasalita, at pagtuturo. Alam na ng lahat 'yun.

Nakakainspire magpursigi sa pagsusulat.

Ang hindi ko lang mapapalampas ay ang pagka-generous niya. Nakakahiya sa kadamutan ko. Kung ako yun, hindi ako gagawa ng kahit ano para sa isang tao, lalo na kung hindi ko naman kilala, hangga't walang maibabalik sakin. Kaya't kakaiba ‘tong si Sir. Nakakabilib. Libre ang lahat. Libreng workshop, libreng pagkain, libreng iba't-ibang experience. Sosyal.

Nakakainspire bawasan ang kadamutan ko.

Thank you Sir sa effort at sa gastos mo samin. Balang araw, mapapalitan rin namin 'to.


Sa uulitin...

Si Eros Atalia at ang mga Batang Erotics

Si Eros Atalia at ang mga Batang Erotics
ni Ysab Santos

March sixteen:
dala ang katawan at inalertong pag-iisip,
sa kauna-unahang araw ng pagsasanay.
Baon: kaunting pera;
lakas ng loob;
kabaitan (?);
maraming ngiti;
malakas-lakas na boses;
bolpen;
notebook;
at sariling kwento.
Bago matapos ang session:
(1)     Basahin ang Utos ng Hari at Si Anto;
(2)     “Assignment ninyong” ipakilala
ang pangunahing karakter ng inyong istorya.
Karakter… karakter –
pisikal, mentalidad
emosyon, saykolohiya
katayuan sa lipunan, kumpletong biodata.

A beinte tres ng Marso ang sumunod na araw.
Ipinakilala ko kay Sir si Lara,
Ma. Lara Oloris ang buong pangalan.
Ipinakilala rin ng iba pa, ang kanilang mga bida.
Babaeng baog at iniwan ng walang konsiderasyong asawa.
Batang mahirap, lumaki sa hirap, at namatay nang mahirap.
Batang kulang-kulang: ina, karangyaan, ama, dugong susustento at dadaloy sa katawan.
Inang nawalan ng bahay na pagsisilungan sa anak,
Magkarelasyong dating masaya, sa ilang panahon ay naghiwalay…
                Nagkalayo, at isang araw, muling nagkita –
                                ang araw ng paghuhukom.
Ilan lamang sila sa mga kwentong aabangan sa araw ng pagtatapos
                nitong pagsasanay.
Ang kwento ko ngang ibinahagi,
kwento ni Lara Oloris.
Isang dating aktibista, tagapagsalita sa mga protesta.
Matapos mahuli sa isang rally kasama ang sampu pa sa kanila,
                doon siya mapapalapit sa isang kasama: si Fatima.
Lilipas ang panahon, darami ang kanyang mga hamon:
pamilya, pag-aaral, pagkilos, personal na disposisyon.
Lumipas nga ang panahon, dumating ang araw ng kanyang pagtatapos –
Cum Laude.
Ang mga sumunod na eksena, nagtatrabaho na siya sa media.
Batikang writer at producer, editor at direktor ng sariling mga episode;
Dokumentarista.
Kakatok isang araw, panibagong kwentong bibigyan ng hustisya:
                Surface student-leader Fatima!

Ika-6 ng Abril, sumunod na pagkikita-ktia:
Ano ang dialogue?
Tinutulungang hubugin ang mga karakter
sa pamamagitan ng mga “linya.”
Tandaan:
“Iwasan ang kwento na, ikinukwento pa.”

Heto, April twenty,
ang ikaapat na session sa seryeng pagsasanay ng mga bata.
Fiction –
                may center of intelligence; limitasyon ng kwentista sa kanyang kwentong isinusulat.
                Iba’t ibang istilo: inverted, linear, non-linear, forward movement; multi-directional.
                mayroong setting na siyang konteksto ng kwento.
                at may mga tauhang binibigyang hininga at buhay sa kwento.

4th day na ng Mayo,
“nakakailang session na nga tayo?”
Lima.
Salang sa workshop ang kwento ni kasamang Giselle,
                Cheap na Bagay sa Divisoria,
at ni kasamang Ryan, Lakad.
Point of view.
Center of intelligence.
Saan ito lulan (ginanap)?
Mga salitang ginamit.
Mga tauhan.

Close reading na ang porma ng pagwo-workshop
sa mga sumunod pang istorya.
A desi otso ng Mayo, bubusisiin at hihimay-himayin
                ang lohika ng bawat salita, pangugusap at talata
                na ginamit ng kwentista.
Kape, Bedsheet, Kurtina at Bintana ni kasamang Chenley ang nauna.
+ (Positive) ni Leng ang ikalawang isinalang.

Ika-25 ng Mayo, walang proper session na naganap.
Araw naming ito ng “We love JC Pacala”
at pagsuportang moral sa pagkakabahagi niya
sa Palihang Rogelio Sicat.
Book launching din ni Ferdinand Jarin na dati ko nang nabasa,
                sa kanyang maikling kwentong D’Pol Pisigan Band,
naging first prize sa Palanca.
Talk nila Ed Maranan at Psyche Mendoza.
Talk din ni Koyang (Jess Santiago) pero
                mas inabangan ng lahat ang kanyang cultural performance.

Lumalapit na ang araw ng pagtatapos.
Sa kauna-unahang batch na ‘to: cool.
Sa natatangi at walang kaparis naming mentor:
                (sabay-sabay) “WE LOVE YOU!!!
                At pa-Yum Burger ulit Sir!”

Ang mga sumunod na meeting,
                bukod sa close reading proper,
                nasusundutan na rin ng tasks distribution para sa gaganaping graduation.
June 1, isinalang si Tristan at ang Siargao ni Ate Peach
                (na hindi ko alam kay Sir kung Peachy o Peach o Peaches ang gustong itawag kay Ate).
Sinundan ito ni Lola,
                na may makatawag-pansing linyang “Si Bum at si Lola. Si Lola at si Bum.”
                                ni kasamang Iza.

Oh, a otso na ng Hunyo,
                Nag-plot na si Sir ng deadline sa pagpapasa ng manuskrito –
                June 14, araw ng Biyernes sa susunod na linggo.
Sundot ulit ng kumustahan sa mga gawaing napaghati-hatian:
Certificates;
Logo;
Venue;
Paghagilap ng mga donasyon;
Paghagilap sa mga batang dadalo sa pagtatapos.
Close reading pa rin sa kwentong Uwian ni Miko
                at sa Ang Paghahanap ng Ginto ni Rijel.

Muling napuna at nagpuna ang grupo ng Erotics
sa napatunayan nitong hindi disiplinadong pagtalima    
                sa oras ng kitaan na itinatakda.
“June 15… ala una kinse hanggang ala una y media lang
                ang hintayan sa LRT – Katipunan.
Aalis si Ricky Lee ng alas tres y media kaya dapat tayong on time.”
June 15, alas dos kinse na’y nasa pila pa lang ng mga traysikel
                ang seeking-for-discipline na mga bata.
Alas dos treinta y singko, The Erotics is in the house of Ricky Lee na.
Face-to-face sa loob ng kanyang library,
                Pakikimingle sa sangkatutak niyang mga libro.
Buti na lang at malakas ang loob kong magtanong,
                buko agad ang bagong film na niluluto,
hango sa kwento niya –
Servando Magdamag, coming soon!
Talk – insights, mga payo.
Autograph. Book signing.
Photo ops.
“Pabili pong libro,”
“Papirma naman po sa libro n’yo.”
Photo ops.
Ganado ang mga bata sa melodramang kwento ni Ricky,
                muntik pang mag-force pasting.
Baka sakali,
baka sakali lang naman…
mahawaan din kami ng galing
                                sa creative writing.

Alam kong may kulang.
Mga hindi ko nabanggit na isinalang na kwento –
Biktima ni Merl,
Bolpen ni Jen,
ang kay Kuya Ed na Wanted: Bedspacer,
at ang sa akin namang Untitled Feelings.
Walang date sa notebook ko kung kailan
                ang mga ito isinalang.
Gayunpaman, pagpupugay sa ‘ting lahat.
Ilang araw na lang, magtatapos na tayo.
May ilan na sa atin ang nagseselos sa upcoming second batch
                ni Sir sa Agosto.
Sabi nung isa d’yan,
                “Wala bang 3-month rule?”
May nabasa rin akong,
                “Magseselos ako kapag may 2nd batch na si Sir.”
Nakakatuwa at nakakatawa.
Sa ilang mga susunod na araw o linggo o buwan o pwede na ring taon,
                may ilan na sa ‘ting makapaglalabas ng libro.
Tulungan ulit sa paghagil ng mga donasyon at sponsor!

Muli,
Happy Graduation!
It has never become complicated because of Sir.
Si Eros Atalia…
Para sa akin…

...ay ang buong pag-iral ng pagsasanay na ito.


Wala Akong Maisip Na Title Kasi Kung Anu-Ano Lang Ang Sinulat Ko Dito

Wala Akong Maisip Na Title Kasi Kung Anu-Ano Lang Ang Sinulat Ko Dito
ni Rijel R. Reyes

Nakilala ko si Eros Atalia noong nagpers yir college ako sa Unibersidad na Sawa na sa Tubig.

            May parang talk kasi noon sa Tan Yan Kee (student center ba ang TYK? Hindi ko  sure) pero hindi ako pumunta kasi tinatamad ako. Ang daming pumuntang mga kaklase ko. Mga dalawa. Joke. Mga apat. Funny daw at parang Bob Ong ang atake ni Atalia. Parang ang pangit naman ng ganung impression k’ako – kinukumpara at nakikita ka sa anino ng iba.

            Hanggang sa nabasa ko ang Peksman at Ligo Na U. Tulad ng iba, kinumpara rin kita sa kanya. Given na ang pareho kayong nakakatawa. Pero sa’king palagay, may mas pinagdadaanan ka (kung ano man yon ay hindi ko na alam).

            Joke lang. Magaling kaya tatay-tatayan namin. Ahe he he.

            So naging pormal ang pagkakakilala ko kay Atalia noong terd (3rd) yir. Naging propersor ko siya sa isang subject kung saan kailangan namin gumawa ng parang baby thesis. Ayos lang. Sa awa ng Diyos, kinaya naman.

            Doon ko nalaman na hindi pala kailangang maging seryoso para seryosohin at magsalita ng seryoso sa hindi seryosong paraan. Tulad nang ikuwento niyang hindi niya maintindihan ang mga nag-aalaga ng aso. Dinadamitan, binibigyan ng bahay, katabi matulog, pinapakain, pinapamanicure/pedicure pero kapag sa ibang tao, hindi kayang gawin. “Man’s bestfriend hayop?! Bespren mo aso imbis na tao?!” Ayun. O di ba? May pinaglalaban siya? Joke. Ahe he he.

            Duon ko rin nalaman na ang burnik ay ang pinakahabang buhok sa ating katawan. Direktang konektado ito sa mga tissue, masel, at nerves sa mukha, partikular na sa mata, bibig at ngipin. Bilang pruweba niya, kapag hinatak ang burnik, mapapapikit ka. May mataas na tsansa din na mapapakagat labi.

            Sa hindi malamang dahilan, siya na naman ang propesor ko nu’ng sikand (2nd) sem. Sa Retorika naman. Mas masaya to. Nalaman kong mahalay pala ang Leron Leron Sinta at Paruparong Bukid. Medyo na-ulol ako kung bakit tinuturo yun sa mga bata? Isa rin akong biktima. Dito ko rin nalaman na si Gary Granada ay isang dakilang mangingibig.

            Lalo kong nakilala si Eros nang isa ako sa mga pinagpala ng mahabaging langit na makapasok sa kanyang fiction writing clinic.

            So, ayun nga.

            Sawang-sawa ako o kami siguro sa pang-aalaska niya sa aming mga katha. Paduguan ng manuscript. Mas madugo mas masaya kasi mas marami siyang pang-aasar na gagawin. Lalo na kapag close reading. Titingnan kasi kung lohikal ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap at pagkakaayos ng mga salita. Kapag hindi, ewan ko na lang.

            Gayunpaman, natuto ako. Bukod sa mang-alaska at magsulat, pinakamaligaya ang eat and run.

            

Construction Site

Construction Site
ni Merl Peroz

Bawat arkitekto ay may vision. Nakikita niya ang kalalabasan ng tinatayo niyang building.  Alam niya ang gagawin para maging matibay ang pundasyon. Alam niya ang gagawin upang hindi gumuho ang interior at mag-mukhang disente ang exterior.

Si Eros Atalia ay nakakabuo hindi lang ng isang building kundi ng isang universe na may matibay na pundasyon at istraktura. Maayos ang pag-kakalatag ng plano, kaya madaling mapakinggan ng kung sinong mang-gagawa. Matatag ang bawat character ng kanyang mga storya kaya hindi mapapatumba ng kahit sino. Makinis ang pagkakalapat ng mga plywood at iba pang disenyong akmang akma sa kanyang mga likha.

Pero hindi lahat ng arkitekto ay may tapang, sapagkat iilan lang ang ay may kakayanang tumaliwas sa nakagawiaang arkitektura. Isa na nga si Eros sa mga pasaway.

Kung maging construction worker nga si Eros Atalia ay siguro hahalukayin niya ang semento sa kakaibang pattern. Lalagariin niya ang mga materyales hindi gamit ang lagare kundi ang bread knife. Hindi naman sa pinahihirapan niya ang sarili niya, kaya niya lang talagang umalis sa kombensyon at tumuklas ng ibang paraan. Nakikita niya ang mga sahig, pader, poste at bubong hindi bilang parte lamang ng pundasyon, ngunit bilang mga kaibigan na makakapagkwento sakanya ng mga out of this world na ideya.

Gayunpaman, kahit matayog na ang narating ng ating Forman, ay magugulat ka dahil handa parin siyang maging taga bili ng bigas para sa mga karpintero niya.

Akalain mo nga namang isang Palanca winner pero kapag kumakain sa KFC eh nag-kakamay pa din. Naka-ilang best selling na libro na pero nag-mimistulang clown sa party ng kanyang mga estudyante.

Madalas kapag sweldo na sa construction site ay magkaka-bayaran na ng utang o kaya naman ay wala ng masyadong natitira dahil puro bali na. Eh dahil nga mataas na ang katungkulan ng kotraktor nating si Eros, malaki na ang kita niya. Pwede namang kanya na lang, ipunin niya na lang para mas marami siyang mapatayong building. Pero hindi, ipangungutang pa niya ang pero o di kaya’y ipanglilibre sa mga kasamahan. 

Kasing tibay ng statue of liberty ang personalidad, kasing taas ng eiffle tower ang nalipad pero kasing lambot ng hinahalong semento ang puso.

Sa dalawang semester at isang buong summer kong naging guro si Eros Atalia ay ni minsan ay hindi ko siya nakitang mag-wala dahil sa galit. Kapag maingay ang klase ay tatahimik lang siya at makikiramdam. Nakakahiya bilang estudyante ang respetuhin ka ng guro mo kung siya nga ay hindi mo pinapakinggan.

Noong minsan pa ngang nalate kami ng mga ka-workshop ko papunta sa bahay ng batikang manunulat na si Ricky Lee, kalmado niya lang kaming sinabihang, “May maabot nga tayo sa disiplina niyong ganyan.”

Mas tumatatak pala kapag subtle ang pag-kakasabi.  Mapapaisip ka pa kasi ng malalim, sa sobrang lalim hindi mo na makalimutan. Sa sobrang pagkakatatak, maiiwasan mo ang pag-ulit.

Isa nga siguro ako sa mga binubuong building niya. Bukod sa respeto at sa utang na loob, hindi ko makakalimutan na dapat ang pag-likha ay para mag-mukhang magaling. Ngunit para mas maintindihan ng nakararami. Maintindihan ng mga di nakakaintindi at di marunong umintindi. Patuloy kong ipapaabot ang aking mga sinusulat sa mga taong nais matuto, sa mga taong gusto ng pag-babago. Dahil ang literatura ay hindi lang para sa nakakabasa, para ito sa mga umiintindi at iintindihin.

Skyscraper na nga si siya. Balang araw titingin din ang akademya. Kailangan natin ng mas maraming Eros Atalia.


Scary. 


Si Eros, Pre

Si Eros, Pre
Ni John Carlo I. Pacala

Kialala mo ba si Eros Atalia? Hidi, hindi. Hindi yung nanalo ng Palanca. Hindi yung best-selling author. Hindi yung author ng kwentong ginawanang indie film. Hindi, hindi. Hindi si Bob Ong. Anokabanamangbataka. Hindi daw siya. Sabi niya.

Si Eros Atalia. Hindi. Hindi siya yung prof na hinintay kong maging prof mula nung first year college ako. Hindi siya yung hinintay kong maging prof noong third year college ako. Hindi ko binalak na magpalipat ng section dahil desperado akong maging prof siya. Eh hindi. Hindi pumayag si Assistant Dean.

Ang Eros na kilala ko eh yung nanlilibre sa Jollibee at Mang Inasal. Yung kumakain ng nakakamay sa KFC, kiber ng iba kung prof siya, o bestselling author, o Palanca Award winner. Basta magkakamay siya. Walang pakialaman. Ang Eros na kilala ko ay yung hindi yung paintelektwal kahit marami siyang alam. Hindi nagsasalsal sa kanyang karunungan. Hindi pasosyal at walang kaburgesan sa katawan. Hindi mo siya makikita sa Moviola na humihigop ng Lost Horizon, nakikipagdiskusyon ng hermenyutika, at nakikinig ng jazz. Bagkus ay papupuntahin ka niya ng D. Jose hanggang Carriedo o kaya naman ay kukuwentuhan kung ilang gay bar ang makikita sa pagitan ng Isettan at Quiapo Church.


Ang Eros na kilala ko ay yung nagtatanong ng bakit ka namin babasahin kung hindi ka naman nagbabasa? Ang Eros na kilala ko ay yung matiyagang nagbabahagi ng kanyang kaalaman kahit kulang ang attendance.  Ang Eros na kilala ko ay humuhubog ng mga batang manunulat. Humuhubog sa paraang hindi kailangang ihambing ang mga gawa sa kung paanong tinitignan ng ibang manunulat ang mga toreng garing ng panitikan, bagkus ay humuhubog sa kung paano matatagpuan ng mga manunulat ang sarili niloang boses. Maisulat ang gusto nilang maisulat. Masakyan ang kanilang trip.At nagpapakilala siya sa mga ito bilang siya. At sana ay marami pa ngang makakilala sa kanya sa kung paano ko siya nakilala.


Timor-Leste

06/20/2013
01:32 p.m.
Thursday
Timor-Leste

Sir Eros,

Salamat sa lahat ng natutunan ko sa inyo. Kahit hindi ko natapos ang workshop, malaking bagay pa rin yung naging guro ko kayo sa pagsusulat. Salamat rin sa lahat ng libreng pagkain. Ikaw na mayaman Sir. Salamat. 

Sir, pag nag-apply ako sa next batch, tanggapin mo ko ulit ha? ;) Pasensya ka na Sir kung hindi ko tinapos yung workshop, biglaan kasi. Sana naiintindihan niyo. Sorry ulit Sir at salamat ng marami.

Sir, hanapin ko kayo pag balik ko. Hindi pa ko nakakapagpapirma ng book eh. Good luck sa lahat Sir. Sana dumami pa ang mga libro at pelikula mo. Astig ka Sir Eros!

P.S. Aminin mo na Sir na kayo si Bob Ong!

Maraming salamat,
Gianne Ong


Ume-essay

Ume-essay
ni Ma. Emicon M. Medenilla


            Marami akong utang kay Sir Eros Atalia.

            Pinaka-una na siguro ay 'yung hindi ko pagtapos basahin ng libro niyang Peksman. Nakuha ko 'yung librong 'yun bilang isang exchange gift nung Christmas of 2009. Nasimulan ko siyang basahin at umabot na ko dun sa part na hirap na hirap humanap 'yung character ng trabaho. Hanggang ngayon 'di ko pa din siya tapos.

            Pangalawang utang ko siguro ay nung hindi ako magpasa sa kanya ng soft copy ng mini-research paper ko sa FIL2. Laking tuwa ko nung i-present ko sa klase 'yung research ko. Nag-survey kasi talaga ako sa 100 respondents nun (na mukhang hindi pinaniniwalaan ni Sir Eros nung mga panahong iyon na nag-survey talaga ako sa isangdaang katao). Ang working title ko ata nun ay Stereotyping sa Tabloid. Sinubukan kong aralin kung nasi-stereotype ba ang tabloid bilang isang bastos na babasahin.

            Pagtapos kong i-present 'yung research, modesty aside (favorite quote ko na yan by Eros Atalia), na-beri good niya ko. Sabi niya i-save ko daw 'yun sa CD at ipasa ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung yan nga ba talaga 'yung research na ginawa ko nun. Pero sure akong na-beri good niya ko.

            Sumunod na utang ko ay 'yung paniniwala ko sa sinabi niyang “Kung hahayaan na lang ng mga kababaihan na sila ang ligawan, kung hahayaan na lang nila na maghintay sa kung sino 'yung lalapit sa kanila, malamang ay matutulog at gigising sila gabi-gabi sa tabi ng taong hindi nila pinili pero pinili ng lipunan para sa kanila.” Hindi verbatim pero parang yan 'yung punto. Nagamit ko na rin ang paniniwalang yan sa isa sa mga essays ko na, ika nga ni Sir Eros-- modesty aside, mukhang maraming natuwa naman. At 'yun din 'yung isa sa mga piyesa ko na pinasa para makapasok sa kanyang writing clinic.

            Hindi ako nakapag-paalam sa kanya na gagamitin ko 'yung paniniwala niyang 'yun sa isa sa mga essays ko. Sa klase niya lang kasi 'yun sinabi sa amin nung third year college ako. Pano nga ba mag-cite ng quotation pag narining mo lang siya sa klase?

            Isang malaking utang ko rin malamang ay 'yung makapasok ako sa writing clinic niya. Libre lang kasi... tapos may libreng pakain pa lagi. Isa siguro ako sa mga matitigas ang ulo sa writing clinic na ito kasi hindi ako on-time magpasa ng mga sulatin, hindi ako agad nagbabasa ng gawa ng other fellows, at may iilang absences din ako. Sayang nga 'di ako nakasama nung may book launch sa La Solidaridad bookshop.

            Di ko alam pano ako makakabayad sa mga utang na ito. Siguro 'yung unang dalawang utang ko, madali lang bayaran kasi tatapusin ko lang basahin 'yung Peksman, at siguro bibili na din ako nung iba niya pang mga libro. Tapos siguro ipag-burn ko na siya ng kopya ng mini-research paper ko ('yun ay kung mahalungkat ko pa sa files ko 'yung research paper na 'yun).

            Pero 'yung huling dalawa, mahirap atang bayaran 'yun. Priceless kasi. 'yung paniniwala about choice ng mga kababaihan na hindi lang maghintay sa manliligaw nila, nakatulong sa akin 'yun para hindi ako matakot aminin sa taong gusto ko na gusto ko siya. Kung gusto din ba ako nung taong gusto ko, mahabang storya 'yun kaya 'di ko na ikukwento dito. Para kay Sir Eros lang ang ume-essay na sulating ito.

            Bukod sa pag-alala ng mga utang ko mula kay Sir Eros, isang magandang alaala ko din na kasama si Sir Eros ay 'yung tinatawag niya kong 'Nice Socks' sa klase dati. Sa aming lahat kasi, ako lang ang nagsusuot ng medyas sa black shoes. Black socks sa black shoes. Minsan may print na bulaklak, at minsan ay stripes na brown, grey, and black. 'Yung isa kong kaibigan, tinatawag niya namang 'Nice Boots' kasi naka-boots siya (malamang). Hindi naman kami nagpapapansin kaya kami nagsusuot nun. Pero madalas kami mapansin ni Sir Eros. Kahit nga classmates namin 'di kami pinapansin sa tinagal-tagal na ganun yung mga suot namin. Ayun.

            Bakit ko shinare 'yung alaalang 'yun? Wala lang. Pampahaba ng ume-essay na sulating ito.

            Pero ang punto ko talaga siguro sa essay na ito-- gusto kong maging katulad ni Sir Eros. Siyempre hindi naman katulad na katulad. Masaya naman ako sa ibang aspeto ng pagkatao ko pero gusto ko maging katulad niya in a sense na maging best-selling author din ako na may sarili kong boses. 'Yung dumami din 'yung pera ko sa pamamagitan ng pag-gamit ng kakayahan ko sa pagsusulat.

            Marami-rami pa kong dapat gawin para maging katulad ni Sir Eros. Sa ngayon ipinagdadasal ko na sana, mapanindigan ko 'yung pagtahak sa daang ito. Sabi kasi nila Sir Eros at Sir Ricky Lee, nakakagutom daw ang daang ito. Okay lang, basta mabusog ko 'yung puso ko sa pamamagitan ng pagbuo sa pangarap ko. Nasimulan ko na, kailangan ko na lang kumpletuhin pa.

            Sabi niya sa isang status update niya, nagpapasalamat daw siya at napagtiyagaan namin siya bilang guro namin sa writing clinic niya. Para sa akin, 'di ko naman siya pinagtiyagaan. Gusto ko talagang maging teacher ulit siya. At sana'y maging mentor ko na rin.

            Habang isinusulat ko ang ume-essay na sulating ito, naisip kong 'di kaya ma-offend si Sir kasi parang binibigyan ko na siya ng eulogy habang buhay pa siya? Pero naalala ko ang Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom-- mas magandang sabihin natin ang ating mga saloobin sa mga taong naa-appreciate natin habang nabubuhay pa sila.


            Na-appreciate ko talaga si Sir Eros Atalia. At nawa'y madami pa siyang birthdays na i-celebrate at madami pa siyang maging fellows.


My Dream Professor

My Dream Professor
ni Ma. Kristina Magno

Simula bata pa lang nakahiligan ko na ang pagsusulat. Kaya simula nung araw na lumipat ako ng University of Santo Tomas, ang una kong tinanong ay “May Filipino Subject pa ba tayo ngayon?”

Bilang lahat kami noong mga panahong ‘yon ay first year pa lang. Hindi namin alam ang kasagutan. Kaya tinanong naming ito sa isa sa mga irregulars na pumapasok sa aming klase. Ayon sa aming babaeng irregular “Retorika” raw ang isa sa mga Filipino subjects na dapat naming kasabikan. Lalo na nagtuturo raw nito ang isa sa mga kilalang manunulat sa bansa  na si Eros Atalia. Noong mga panahong ‘yon ay nahihiligan ko pa lamang ang pagbabasa  ng mga dula kaya hindi naging pamilyar sa akin ang pangalan. Basta ang naaalala ko, noong mga oras na’yon kuminang ang aking mga mata sa tuwa at kasabikan na maging professor ko si Sir Eros Atalia.

Dumaan ang ikalawang taon ko sa unibersidad at hindi pa rin nawala ang aking kasabikan sa ikatlong taon ng pag-aaral. Dito ako unang nanalo ng “Honorable Mention” sa dulang may isang yugto category ng Gawad Ustetika. Sa unang beses doon ko nakita ang professor na matagal na nilang nababanggit. Ang sabi ko sa sarili ko “Konting panahon nalang at magiging professor na’rin kita!”

Sumapit ang aking ikatlong taon ng pag-aaral. Ikalawang semester pumasok ang “Retorika.” Naaalala ko pa noong mga panahon na hinihintay kong pumasok ang professor naming sa loob ng classroom. Sobra-sobrang tindi ng pagdadasal ko na sana si Sir Eros yung makita ko pagbukas ng pinto. Ngunit sa kasamaang palad, nakapalda ang pumasok. Sobrang nadismaya ako sa nakita ko. Sobrang nadismaya ako sa mga pangngalan, pandiwa, at pang-uri na itinuturo ng nakapaldang propesor sa Retorika. Hindi ko naisip na yung hinintay ko ng halos tatlong taon ay magiging ganito lang. Palagi akong kinukwentuhan ng mga kaibigan ko mula sa Journalism kung gaano ka-saya at ka-creative ang retorika class nila. Doon ko nalaman na hindi pala nagtuturo ng Retorika sa Asian Studies si sir Eros. Sa sobrang pagkalugmok, inisip kong i-drop nalang ang Retorika ko at kunin ito sa Journ. Ngunit dahil ito ay nangangailangan ng mahabang proseso, hindi ko na naituloy.  Pagkalipas ng ilang buwan, dumating na naman ang buwan ng Gawad ustetika. Naaalala ko pa na deadline na ng application at doon palang ako nag-aasikaso ng mga requirements. Umuwi na halos lahat ng English at Filipino Professors. Pero naabutan ko sa isang klase si Sir Eros. Naglakas loob ako na lumapit at magpapirma sa kanya kahit na hindi niya ako kilala at ni-minsan ay naging estudiyante.

Hanggang sa isang araw, nagkalat ang isang balita sa buong Artistang Artlets na magbubukas ng isang workshop si Sir Eros para sa mga aspiring writers at gusto matuto magsulat ng maikling kuwento. Bilang sanay na ako sa pagsusulat ng dula, naisipan kong sumali upang malaman ko kung  tama ba ang pagpili ko ng Asian Studies o pagsusulat nga ba talaga ang gusto kong tahakin. Hanggang sa isang araw habang naghihintay ako ng resulta ng Gawad Ustetika, sinabi na inurong daw ni Sir Eros ang deadline ng application para sa kanyang workshop. Inisip ko kung ito ba ay isang sign na sumali ako? O isang sign na kalimutan ko na? Hindi ko alam, pero sinubukan kong huwag palampasin ang pagkakataon. Sumapit ang gabi ng Gawad Ustetika, at sa kabutihang palad ako ay ginawaran ng “2nd Place” sa kategoryang dulang may isang yugto.” Nung gabing iyon nakita ko na naman Si Sir Eros at naisip na “Siguro nga… ito na’yon. Kailangan na kailangan kong makasali sa workshop niya.”

Sa kabutihang palad, ako ay nakasali sa workshop ni Sir Eros. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan. Na may isang manunulat na nakakaintindi sa’min katulad niya. Katulad niya na dumaan din sa kaliwa’t-kanan ng mga pilian kagaya namin. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, hanggang limang meeting. Kahit na summer at pinapagalitan ako ng aking nanay.. sobrang nag-eenjoy ako dahil sa mga natututunan namin at doon ko naisip na tama ang sinabi nila tungkol kay Sir Eros.

Paglipas ng ilang linggo, doon ko napagtanto na hindi pala lahat ng bagay ay makukuha mo. Na-kahit gaano mo ka-gusto,  hindi lahat ng bagay ay makukuha mo.  Nanalo ako bilang bagong presidente ng Artistang Artlets. Pumapasok ako ng directing workshop  araw-araw. May ilang mga bagay na nangangailangan ng mahabang preparasyon sa organization bakasyon pa lang. Doon ko naisip na siguro nga hindi ako pwedeng maging selfish ngayon.  Na hindi lang para sa sarili ko ang oras ko. Nung mga oras na’yon hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sir Eros na hindi ko na maitutuloy ang workshop. Sobrang hirap, dahil alam ko na itong workshop na ito ang makakatulong sakin magdesisyon ukol sa mga bagay na tatahakin ko pagtapos mag-aral. Ngunit sa kabila ng lahat ang sagot lang niya ay..”Pwede pa naman kayo humabol.”

Sa mga salitang ‘yon ako mas nakaramdam ng lungkot at hiya dahil sa kanyang kabutihan na ipinakita. Na yung professor na hinintay ko ng maraming taon ay kailangan ko rin palang i-let go. Ngunit ang mga salita ring ‘yon ang nagbigay sa’kin ng lakas na…siguro…siguro sa hiniharap. Siguro kung para talaga kami ng pagsusulat kahit na anong mangyari magkikita at magkikita pa’rin kami sa huli. Gaya ng isang pintuan na binigay sa akin noong nabigyan ako ng chance na maging propesor ri Sir Eros.



Series of Erotic Events

 Series of Erotic Events
ni Sherina Mae Inza-Cruz

Ira-rationalize ko lang naman dito kung paano ko ba naging idol si Sir Eros.

Naks! Hahaha. Actually mapili ako sa mga iidolohing tao dahil ayoko nang nasasama sa bandwagon or mainstream, sa katunayan nung HS ako ayoko sa mga gawa ni Sir Eros, bukod sa masa ang readers ni Sir, e ayoko ng part na kinukumpara siya kay Bob Ong.

Arte ko e. Hahaha.
At dahil maproseso akong tao at lahat ng bagay ay may back story or motivation (na lahat ng bagay na nangyayari ay may reason), eto ang mga pangyayari bago ako napasama sa mga umiidolo kay Eros Atalia:

1.) 4th year HS. Ang unang libro ni Sir na sinubukan kong basahin ay ang Peksman. Ang daldal, galit ka? Binitwan ko after ng ilang pahina at di na muling binuklat. Pero forever ko naririnig sa mga kaibigan ko na sobrang gusto nila si Eros Atalia at na sya daw si Bob Ong. No comment ako.

2.) 3rd year college. Retorika class. First time kong nakita si Sir Eros. Hmmm. Nakaka-star struck pa rin pala in person ang isang batikang manunulat kahit hindi mo naman idol. Hahaha. Ang cool niya lang. Sobrang saya ng mga kaklase ko nun kasi may nasagap akong balita (tapos shinare ko sa kanila) na magaling si Sir Eros magturo ng Retorika. So…
Jackpot! kami ng blockmates ko. Hahaha.

Ayun, napatunayan kong hindi kasinungalingan ang balita, magaling nga magturo si Sir ng Retorika. Lagi nga akong naka-auto kilig nun kapag pumapasok na siya at nagtuturo. May certain magnet kasi sa’kin ang mga taong magaling magturo at magsulat at the same time. Nakaka-inspire lang ba.

3.) Bakasyon, Artistang Artlets orientation. Nag-offer si Sir na magpa-scriptwriting workshop sa AA kasama sina Sir Chuckberry Pascual at Sir John Dennis Teodosio. Tapos libre. Ang bait lang ni Sir Eros forever.

4.) AA major production, season 32. Pina-require ni Sir na manuod ng play na huli kong idederek ang mga studyante niya, nakaka-touch e, kahit ba di nya alam na ako mag-dedereha. Tapos para manuod talaga yung mga klase niya, pinagawa niya pang Finals. Sweet. Tapos sinasama niya pa kami sa raket niya, sayang natyetyempuhang busy ang AA.

5.) Manok Tigok Tibok: AA collaboration with Sir Eros Atalia. Creative Writing Center art event. Ganda nitong performance na’to. Hahaha. Conceited. Pero gusto ko talaga yung output namin dito. Anyway, project to na pinagkatiwala ni Sir Eros sa AA, isang site specific performance. Sobrang nagpapasalamat kami sa platform na to: an avenue to create. We’re greatful kay sir Eros kahit medyo gulatan ang pagkaka-offer sa’min ng project na ‘to. Hahaha. Pero lagi kaming magpapasalamat sa walang sawang suporta ni Sir Eros. Hahaha. Parang may mali. Haha. Chos lang po.


5.5) Most Unforgettable Moment with Sir Eros.
Nagpapapirma ako ng mga libro, kakabili ko lang, ipangreregalo ko. Hahaha.
Sir Eros: O nagpaloko ka na rin? Bakit ka bumubili ng mga ganitong walang kwentang libro?
Ako: Ganda Sir e. Sarap pang-regalo.
Sir Eros: Pangalan?
Ako: Nathaniel po.
Sir Eros: (nagsusulat) Eto na ba boyfriend mo ngayon?
Ako: Ai hindi po, sir.
Sir Eros: (tumingin sa’kin) Ai hindi na nga pala boyfriend hanap mo ngayon.
Ako: Grabeeee. Hindi po ako tibo. -_-
Sir Eros: Ikaw nagsabi niyan.
Ako: Ansamaaaa…
Katahimikan.
Sir Eros: Basahin mo yung libro kong It’s Not That Complicated. Bagay yun sa’yo.
---
Ok, sa mga hindi pa po nakabasa ng book na yun, may part yun na tungkol sa mga tibo. -_-
Maraming natawa sa’kin nung kinuwento ko ‘tong conversation na to with Sir Eros… Hmmm. Gawing play? Isa lang? Hahahaha. ;)

6.) Short story writing workshop. Nag-offer si Sir Eros ng libreng workshop, eto yun, sumali ako, hindi nya mahindian ang mga Thomasians. Hahaha. Tinanong niya ko kung bakit gusto kong matuto magsulat ng short stories e marunong na ko magsulat ng dula, tapos sabi ko idol ko kasi siya tapos feeling ko di sya naniniwala. Hahaha. Pero totoo, idol ko na sya nito. Nabasa ko yung book niya na Wag Lang Di Makaraos tapos sobrang bilib na bilib ako, may mga taong sadyang may talent sa pagsulat tapos mapursige pa. Nakaka-inggit na nakaka-inspire. Hahaha. Isa si Sir Eros sa dahilan bakit gusto ko magturo sa UST at makapagsulat ng libro. Walang halong pagro-romanticize, napakabait ng taong ‘to at sobrang galing. Muntik ko na nga ligawan si Sir e. Hahaha. Chos lang po.


Makaka-asa si Sir na babaunin at ia-apply ko lahat ng natutunan ko sa workshop na to. At na one text away lang ako kapag may kailangan siyang tulong na pwede ko sya matulungan. Nagpapasalamat po kami ng maraming-marami kay Sir Eros. Hahaha. Babatiin ko po siya ng Happy Father’s Day taun-taon. Peksman! J