Monday, July 1, 2013

“Sasama ka?! o Sasama ka?!”

“Sasama ka?! o Sasama ka?!”
ni Don Evaristo

Hindi ko alam kung bakit ako kasama...

Isa lang naman ako sa mga daang-daang nag apply sa libreng workshop na walang bigat ang papel na may kalakip ang sample story na walang asim at anghang ang timpla. Tapang at kapal ng mukha ang armas kong dala para mapabilang sa mapipili.

“Bakit kita kukunin sa workshop?”
“Gusto ko pong matuto...”

Walang kwentang sagot, tingin pa lang sa akin talo na, pero okay lang kasi kahit papaano ay gumawa ako ng paraan kahit na alam kong palpak.Lumipas ang maraming mga araw hindi ko na inasahan pero paminsan-minsan ay umaaasa na baka matatawagan kahit sa panaginip pero ang panaginip ay pwede pala ang maging totoo.

“Congrats! Isa ka sa natanggap sa aking workshop”

Tuwang-tuwa na hindi maipaliwanag, dahil meron nang isang hakbang na natupad paakyat sa hagdan ng pangarap na tinitingala paitaas. 1-2-3-4th meeting teka, hindi pala madali at hindi dapat magmadali dahil marami pa pala akong bigas na dapat kainin na akala ko ay matigas na ang aking buto para makipagbanggaan.

Tinuruang mag obserba, makinig, makisama, palawakin ang kamalayan, paliparin ang imahinasyon, kilalanin ang sarili at mangarap gamit ang sandatang lapis at papel subalit hindi lahat ng turo niya ay kaya kong gawin dahil hindi naman ako si Eros Atalia isa lamang ako sa mga taong nasa likod niya pero may simpleng pangarap na nais matupad na ngayon ay alam ko na kung bakit ako kasama...


HASHTAG: FAN GIRL

HASHTAG: FAN GIRL
ni Christine Emano


Dear Sir Eros Atalia,
Ito po ay isang love letter ng isang fan girl sa kanyang idol. Yieee!
Okay dahil dyan magsisimula na po ako in 3…2…1….Telon.
*Fade in Music* *Fade in Lights*
Nung unang nalaman ko na magiging prof ko si Sir Eros sa Retorika nung 3rd year, tumalon sa tuwa yung kaluluwa ko dahil sobrang simula first year pa lang pinagdadasal ko na kay Lord na sana maging prof ko siya. Sobrang angas na angas kasi ako kay Sir Eros. Yieee. Hahaha. At sobrang mahilig ako sa mga bagay na witty at pa-deep o pa-subtext kaya sobrang gusto kong malaman kung paano ba si Sir Eros magturo. 

Nung naging prof ko na siya, na-realize ko na maaari pala akong antukin sa klase pero nakikinig pa rin. Kahit sobrang gusto ko ng ipikit ang mata ko minsan, nakikinig at nakikinig pa rin ako sa mga tinuturo niya. At kahit minsan gusto kong mag drinking fountain o mag CR ay hindi ko magawa, dahil pakiramdam ko pag lumabas ako ng kwarto marami akong mami-miss na bagay. Seryoso. O diba. Angas talaga ni Sir Eros.

Meron ding pagkakataon na ginawa akong Stage Manager sa “Manok, Tigok, Tibok” na ginawa ng AA bilang isang site-specific play. Natuwa ako kasi script yon ni Sir Eros. Eh di cool. May isang beses na nanlibre si Sir Eros ng Mang Inasal sa aming mga AA na nagtatrabaho at dun ko nalaman na nagkakamay pala si Sir Eros pag kumakain sa Mang Inasal.

Nung nalaman ko via facebook na magkakaroon si Sir Eros ng libreng workshop, sinubukan ko lang magpasa bilang nahatak lang naman ako ng mga kapwa ko AA nung mga panahon na magpapasa sila. Biglaan lang yun dahil pagkatapos naming magklase ay diretso ako ng comp shop para hagilapin sa blog ko yung mga script/maiklingkwento/tula na ginawa ko. Copy. Paste. Onting edit. Tapos pasa na with resume. Hindi ko inakalang matatanggap ako.

Dumating ang workshop. Palaging may halong excitement at kaba bago ako pumunta sa bawat workshop. Dito ko rin mas lalong napagtanto na isa si Sir Eros sa mga mapagkumbaba at mapagbigay na tao. Nagkukuwento siya ng mga writers na generous at humble, pero isa rin siya sa mga yun. At ning nanlibre ulit siya sa Mang Inasal ay nagkakamay pa rin siya. Patunay na isang simpleng tao lang din naman talaga ang pogi at seksi at matinik sa chix na si Sir Eros.

Eh di ayun. Workshop na. Nung simula, maganda ang attendance ko at tuwing sabado talaga ay nasa workshop ako. Pero nung mga padulo na nung Mayo, hindi na ko halos maka-attend dahil sobrang ang dami ng inaasikaso. Lalo na’t officer ako ng AA, nahirapan talaga ako dahil naisasakripisyo ko na ang workshop para sa mga ibang trabahong kailangan gawin. Muntikan na nga rin akong sumuko, pero tingin ko pag sumuko ako buong buhay kong dadalhin sa isip at puso ko na nagquit ako sa workshop ni Sir Eros. Gagawan ko na lang ng paraan. At hanggang ngayon nagsisisi ako sa mga araw na hindi ako nakapunta.

Nagsusulat ako ngayon na bukas na lalarga sa Laguna. Sobrang bilis ng panahon. Sana hindi ito ang huling beses na magkakaroon ako ng opportunity na ganito. At ngayon na prof ko ulit si Sir Eros sa Filipino Journ. Eh di ayos! Pakiramdam ko suyang-suya na si Sir Eros sa block naming at 3 sems na niya kaming tinitiis. Pero sobrang pinagdasal talaga naming na maging prof si Sir Eros palagi. YIKEEEE ♥
Ngayon, bukas, at magpakailanman at mananatili sa puso at isipan ko ang mga naranasan at natutunan ko sa maikling oras na nakasama ko si Sir Eros at ang Erotics.
*Fade out Lights* *Fade out Music*
TELON.

At mga kaibigan dito na po nagtatapos ang monolog slash liham ng isang fan girl sa kanyang idol.
Muli, gusto ko pong magpasalamat sa iyo, Sir Eros Atalia, sa pagiging isang mapagtiyaga, mabait, mapagkumbaba, at butihing ama. Opo. Kahit sabihin niyo pong wala kayong anak, meron po. Kami po. Di lang po ako sigurado kung tanggap nyo po nag mga kasaltikan naming bilang anak niyo po. Hehe.
Di man po halata, pero isa po ako sa mga avid fans nyo, Sir. Shempre peke-pekean lang na hindi ako nasastarstruck sa kapogian nyo J Hehe.
Maraming Salamat po! Muli sa hanggang!!!!

                                                                                                Nagmamahal,
                                                                                                Christine Emano



Yum na Yum si Eros Atalia!

Yum na Yum si Eros Atalia!
ni Marie Giselle R. Dela Cruz

Si Sir Eros Atalia ay palihim na kumukuha ng  tetra pak orange juice.

‘Siiiiiiiiiiiiir” pabulong na tinawag namin siya. nakaupo kami sa makinis, may varnish sa matigas na bangkong kahoy. Malakas ang ilaw ng mga puting fluorescent bumbilya, maingay ang paligid. Puno ng mga kaibigan at kamag-anak. Nasa burol kami at nakikiramay sa pagkawala ng mahal sa buhay ng isang kasamahan.

Pagkatingin niya, nginuso namin ang bundok ng juice na nakalagay sa paper plate, sa kaharap naming bangko. Si Sir Eros ang direktang katapat ng mga juice. May katabingi kuya ang mga juice,nakatalkiod naman pero ilang lang sentimetro lang ang layo ng kamay ni kuya sa paper plate.

Tumingin siya sa kanan at kaliwa. Tapos dahan-dahang hinila isa-isa ang mga juice. Naka-isa, dalawa, tatlo, apat na tetra pak. Siya na rin ang nag-abot sa amin ng straw. Ekspert na ekspert. Naghigikhikan kami nila Emano, Iza at Merl. May malaking ngiti at tahimik na sinisipsip ang orange juice. Hindi napansin ni kuya.

Heto ang isang halimbawa na talaga namang supportive sa amin si Sir Eros pagdating sa pamamahagi ng pagkain. Kay Sir Eros lang din ako napapakain ng Jollibee, Mcdo baby talaga ako.  Hindi ko mahanap ang kasiyahan ng tagline na ‘bida ng saya’ sa Jollibee. Pero dahil laging libre ang yumburger, yum naaaa! Yum na Yum si Eros Atalia!

Osige, pwera biro. Pana’y tignin. Sukdulan ng hirap basahin. Heto si Eros Atalia sa akin.

Nakayuko at busy sa pagta-type ng Tab. Tas bigla kang titignan. At magta-type ulit sa Tab niya. Hindi mo tuloy alam kung galit ba siya o wapakels naman. Ano ba talaga?  Minsa’y masungit, tapos biglang magbibiro. Ang lakas pa mang-alaska. Madalas tahimik, tapos biglang ngingiti. Scary. May topak talaga. Feel ko, kung hindi naging professor at writer ‘tong si Sir, pwede nang sumide-line na bilang isang terrorist (o kaya rapist!) Hahaha, PEACEEEEE!

Honestly, hindi ko nagustuhan ‘yun Ligo na U, Lapit na Me. Pagkatapos ko siyang basahin, sabi ko sa sarili ko “never again”. Hanggang ngayon, hindi ko pa ulit nabubuklat ang libro. Pero sa isang entrance exam para sa school publication, nang magpagawa ng book review,  Ligo na U, Lapit na Me ang sinulat ko. Sa kalaunan, mababasa ko ang ibang libro niya, kahit nagkaklase. Nang mabasa ko ang sex scenes sa It’s Not That Complicated, naglalakad ako sa corridor para mag-transfer ng ibang room. Biruin mo, natataranta at naiintriga na ang mga kaibigan ko dahil sa paulit-ulit kong pagsigaw ng “OMAYGASSSH!”. Mababasa ko rin kahit ang mga tula at editorials niya. Bibilib ako sa paraan ng pagsusulat niya at makakabisa ko na rin ang bawat punchline at jokes niya.

Prof ko siya sa dalawang Pilipino. Dalawang sem, bale sampuwang buwan din. Tapos etong talong buwan na workshop.

Hinika ako noong 1st at 2nd meeting kakatawa sa klase niya. Kailangan ko pang yumuko para sa pasimpleng paghinga sa inhaler. ‘Yan kasi nasobrahan ako sa tawa (kaya nga nagdala ako ng nebulizer sa graduation).

First time kong makasulat ng Filipino super short story habang (hindi) nakikining at patungo-tungo sa klase niya. Sa bandang harapan pa ako nakaupo. Siya rin ang parang silang plaka na nagsabing “kailangan niyong magbasa ng magbasa ng magabsa ng magbasa ng magbasa ng magbasa ng magbasa”, na isinapuso ko nga. Nag-practice at nag-aral akong mag-isa, itinaguyod ang sariling pagsusulat at nagbukas ng writing blog. Alam kong nababasa ni Sir ang mga blog posts ko hanggang ngayon (kahit hindi niya sabihin). Paano ba naman, ang blog post kong  ni-like ni Sir Eros ay kauna-unahan kong kwento na medyo mahalay at may harot! (‘pag si Sir talaga, alam na haha).

Hindi ko siguro inakala na may makakapansin at mag-uudyok sa akin para magsulat. Siya rin ang nagpapaalala at minsa’y namimilit, mga pasimpleng “Ui sumali ka rito” o “Nagpasa ka na ba?”, sa kung anu-anong workshop at competition. Kung hindi siya nangulit at nagbigay ng oportunidad, hindi siguro ako nakarating dito ngayon.

Napaka-subtle kasi ng kabaitan ni Sir. Hindi kasi siya wordy o kaya touchy-feely (buti na lang haha). Pero ipapakita niya ito, sa pag-abono ng mga biniling libro ni Ricky Lee o nang minsang nanlibre siya ng KFC bucket meal para sa grupo. May natira pang isa, iuwi ko na raw para may pagkain ako sa dorm.  Hindi ko na kinayang kainin at solohin ang masarap na manok at macaroni salad. Nahiya kasi ako sa kabaitan niya, kaya ibinigay ko na lang ito kay Ate sa Dapitan na mas nangangailangan. Walang kadamutan sa pagkatao niya, walang ka-artehan sa katawan. Except siguro run sa gray, na super flowy, silk pants niya haha.

Minsang mag-Cavite kami kasama ang ibang kaibigan at foreigner exchange student, pagkatapos tignan ang Kalye Marino at Rosario bilang isang possible community development, tumuloy kami sa Tagaytay para mamasyal. Nang tanungin ako kung anong gustong gawin, pabiro akong nagreply ng “Horseeeeeback riding!!!”. Nagulat na lang ako nang tinotoo niya ang joke ko. Talagang nanlibre at pinilit akong sumakay ng kabayo dahil hindi pa ako nakakasubok. Nanlibre pa ng bulalo at nang-alok ng BJ. Nagtinginan kami ng mga kasamahan ko, puro pa naman kami babae. Inulit ang alok kung gusto namin ng BJ, BJ para sa BUKO JUICE. Malakas na tawanan. Ganyan siya ka-baliw at saksakan ng bait.

Pero ang pinaka-cute at favourite moment ko with Sir Eros, ay nun unang magkausap kami sa labas ng classroom. Nagkasalubong kami sa gilid ng Main Building, kakabili niya lang ng dirty ice cream cone mula kay Kuya. Napahinto siya sa harap ko. Tinatanong niya kung magco-cover ba raw ako ng Visprint WIT 2 seminar. Medyo matagal kaming nakatayo at nagkalituhan. “Diba, magco-cover ka?” “Ha? Ano po?” “Diba ..achuchu..” “Poooo?”. Wala talaga akong kamuwang-muwang sa mga tanong niya, hindi ko maintindihan kung bakit ako ipapadala para mag-cover. Pagkatapos ng mga paikot-ikot na tanong, napagalaman namin na pupunta naman talaga ako sa event pero hindi ako magco-cover. ‘Yun pala akala niya kasi taga-Varsitarian ako. Ilang minuto na tumutulo ang dirty ice cream niya at padila-dila siya rito. Parang bata lang na natutuwa sa malamig at masarap na ice cream na hawak Ako naman, nakatayo at litong-lito habng naiinggit sa ice cream niya. Peyborit ko pa naman ang ice cream.

Napakahirap pagkasiyahin sa iilang pahina ang lahat ng mga nagawa at mga pagkakataon na nakasama ko si Sir Eros. Kaya pagkatapos ng isang taon na pagkakasawaan ng mukha sa halos every week na meetings, idagdag pa ang ibang literary happenings, gusto ko lang ibalik kay Sir Eros ang mensahe niya sa akin dati. Heto ang sinulat niya (hindi ko lang nga alam kung stored quote ba ito para sa lahat) nang pirmahan niya ang favorite kong, “Wag Lang Di Makaraos”,

Kay Gie, Salamat at kahit paano, nagkasalubong tayo sa pahina ng salita.

Kaya para sa lahat, lahat, lahat, lahat ng kwento, tulong, (pagkain), gabay at payo.

Ty, ty, ty at ty uli. As in. J


PS.  Kailangan ko lang ‘tong i-share, mapapangatawanan ko ang pagsasabing.. wala akong ni isang absent sa workshop na’to. Ako lang talaga ang hindi umabsent sa grupo (opkors maliban sa inyo haha). At sa buong buhay ko, ngayon lang ako may perfect attendance! YEY!

PPS. Pansin ko lang, puro pagkain ang laman ng essay ko. Napaghahalataan talaga ako. Haha.


PKE (Para kay Eros)

PKE (Para kay Eros)
ni Leng de Chavez


February 2008, 2nd year high school. Nasa National Bookstore-Alabang Town Center kami ng best friend kong si Nabeel. Actually nag-aayos kami ng papers para sa Values Activity namin sa Elsie Gaches (na tapat ng ATC). Pero tumambay muna kami sa National at tumingin ng mga libro. Binabasa ko nun yung back cover ng Macarthur ni Bob Ong nang kalabitin niya ako.

"Uy tignan mo 'to."

Ako naman, tinignan ko. May hawak pala siyang libro, kasing-size ng Bakit Baligtad ni Bob Ong. Nainis ako sa cover, yung mamang bungal na todo ngiti pa sa camera. Peksman yung title.

"Ano yan? Anong kwento?" inis kong tanong kay Nabeel. At ang gago, alam na inis ako sa cover, todo lapit pa sa mukha ko. Umalis kami ng bookstore na walang binibili, at di ko nalaman ang kwento nung libro.

May 2010, isang buwan bago ako pumasok ng kolehiyo. Bumibili ako nun ng binder nang maalala ko yung Peksman. Ewan, bigla ko na lang natandaan yung libro. Siguro dahil dun sa nakatabi kong bungal? Ah ewan. Pumunta ulit ako sa Phil Pub section pero walang Peksman dun. Ligo Na U, Lapit Na Me lang ang nakita ko. At dahil mahilig akong mag-aksaya ng pera sa libro, binili ko aagad. Pero di ko binasa, inamoy ko lang.

Mga September ata nun, 2010, nang basahin ko ang Ligo Na U. Bumagsak kasi ako sa midterms ko sa Math. Nakatago yung libro sa ilalim ng cabinet ko. Ewan ko talaga, natripan ko lang yun. Pero pucha, maya-maya hindi ko na matigilan ang pagbabasa. Bakit? Maraming dahilan. Pwedeng pogi ang naiisip kong Intoy (kahit di naman gaano, ayon sa description sa kwento), inis na inis ako kay Jen (ayaw magcommit!), nakakatawa (pukang ama talaga!).. basta marami! Kahit bitin yung dulo, nasatisfy ako. Naging totoo sa imahinasyon ko si Intoy. Ang ingay-ingay niya! Ganun ang tipo kong kwento. At nag-iba ang tingin ko sa pusa. Hay.

Simula nun medyo naging stalker ako ni Sir Eros. Kinukulit ko pa nga ang kabarkada kong taga-Bio sa UST para ikuha ako ng autograph! Eh shy type yun so bitin. 2011 nang bilhin ko ang Peksman. Medyo malalim pero nandun pa rin ang humor. Sa totoo lang dahil dun naimagine ko ang magiging job interview ko if ever. Ayoko na tuloy magtrabaho.

July 2011, Cinemalaya. Nabalitaan ko na kasali dun ang indie film ng Ligo Na U. Sobrang nabadtrip ako na di ko mapapanood! Nasa Los Baños kasi ako buong linggo at ang haggard pumunta sa Manila. Nagdasal pa ako nun na sana may pirated DVD na lumabas two months later. Pero iba ang lumabas! September, saktong 18th birthday ko, pinarequire ng Bio lab instructor namin na manood ng Ligo Na U na ipapalabas sa DL Umali. Excited na expectant na hindi ako mapakali nung nakaupo na ako sa auditorium. Medyo ilag kasi ako sa mga libro na ginagawang pelikula. Pero wow, tuwang-tuwa ako! Inabangan ko pa nun si Sir kasi kadalasan pumupunta rin yung author sa showing. Kaso bigo ako. Oh well papel.

Sa totoo lang nainis ako kay Sir Eros kasi bitin yung Ligo Na U. Bigla na lang mawawala si Jen? Tapos sa pelikula may pahabol pa. Anak ng tinapa talaga! Ang sakit sa puso eh! Nung lumabas ang It's Not That Complicated last year, bili agad ako. Triple shit sobrang sakit. In a good way. Ay ewan, nakakaloka. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat? Yung 'Wag Lang Di Makaraos'. Trip ko ang flash fiction ni Sir. Nandun ang humor kahit maikli ang kwento. Sarap basahin!

January 16, 2013 - pinalabas sa LB ang Intoy Shokoy. Fangirling kami ng roommate ko! Kahit may 7pm class ay pinilit ko pa ring manood. Nastarstruck pa ako kay Sir! Nakakatakot pala siya sa personal. Dala-dala ko yung apat na libro na papapirmahan ko. Ang pinakanagustuhan ko sa autograph niya ay yung dun sa Wag Lang Di Makaraos: Kay Leng, sana makaraos ka rin. Saktong-sakto kasi nung linggo na yun, pamatay na exams sa majors, reporting at kadramahan ang pumutakte sa'kin. Nakakagaan ng loob. May picture pa!

Akala ko doon na ang huling pagkakataon na makikita ko si Sir. Buti na lang nagstatus siya sa FB tungkol sa writing workshop! Pinaghandaan kong mabuti yung kwento ko, nahiya naman kasi ako. Nasundan 'to ng paghihintay sa text message na akala ko hindi na dadating. Napasigaw pa ako sa apartment nung natanggap ko ang text ni Sir, madaling araw pa ha!

Natatakot ako sa workshop nung una. Hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa mga kapwa writer. Sanay ako na mga tagabasa lang ng teen fiction stories ko ang kumi-criticize sa'kin. Tsaka parang ang hirap i-please ni Sir. Dagdag pa diyan na medyo socially awkward ako. Ang hirap talaga! Pero bakit ako nagpatuloy? Kasi gusto kong matuto at dapat kong harapin ang takot ko sa kritisismo. At baka malaman ko kung si Sir at si Bob Ong ba ay iisa.

Halos tatlong buwan din ang workshop kay Sir Eros. Nakakapagod bumiyahe pa-Manila pag weekend! Lalo na nung may summer class ako sa Statistics. Bangag na nga sa numbers, may workshop pa. Hindi ako nagrereklamo. Laking pasalamat ko na napasama ako sa workshop ni Sir Eros. Worth it ang pagod sa pagbibiyahe! Marami akong natutunan, di lang kay Sir, pati na rin sa mga kasama ko.

Si Sir Eros Atalia? Akala ko nakakatakot (laking mama eh!) at sobrang intimidating. Akala ko sobrang strikto (hmmm). Hindi pala.. masyado. Nakakatakot ako kay si Sir kasi alam niya ang hinahanap niya. Bilib ako sa mga taong ganun, mga self-actualized (naks ganun?). Naging OC tuloy ako sa mga pinapasa! Pero nakatulong yun sa'kin sa pagsusulat. Galing!

Katulad si Sir ng mga kwento niya: maingay, maraming gustong sabihin, may laman, hindi basta-basta. Marami ang nakakarelate sa ganun, at isa na ako dun. Sobrang benta sa’kin ang kupal moments niya! Kahit minsan puro punchlines ang sinasabi niya, ang dami kong natutunan sa kanya. Salamat, sir. Dahil sa mga libro mo ang dami kong narrating na lugar, bastos man o makatotohanan. Hindi ko makakalimutan ang mga natutunan ko sa inyo. Wag niyo rin kami kakalimutan ha? Batch 1 kami, sobrang possessive. Haha!

Makakaraos din ako, promise yan.


  

Peksman (Wala Naman Sanang Mamatay)

Peksman (Wala Naman Sanang Mamatay) Nagsasabi Ako ng Totoo (At Iba Pang Ranting Ko About Kay Eros Atalia At Bahala Na Kung Sino Ang Trip Maniwala)
ni Chenley Cabaluna

Nabasa ‘ko ang unang libro ni Eros Atalia under Visprint publication ng hindi sinasadya.

Kase ganito yun, bibili sana ako ng book ni Bob Ong na MacArthur ata, or Kapitan Sino or… basta yung mga kasabayan ng Peksman. Eh pagdating ko sa Fullybooked sa may Gateway (yaman ko loljk) out of stock na sila. As in yung parang nangyari sa Twilight series (gusto ko sana i-bash ng bonggang bongga ang Twilight series kaso dapat tungkol kay Sir Eros tong essay na’to so next time na lang atsaka nakita ko yung Twilight books sa library ni Ricky Lee, haha owemgee! Sana di n’ya rin nagustuhan, anyways) at dun sa 50 Shades of Grey/Gray? (hindi ko talaga maunawaan bakit trip ng marami yan, eh parang Xerex lang naman ang datingan or yung sa mga Filipino romance pocketbooks, anyways, balik kay Sir Eros)

Nabasa n’yo ba yung first paragraph ko? Ansakit sa ulo noh, nakakahilo. Andaming ideas tapos diredirecho, walang patid, walang preno at parang may kaaway lang ang peg. Ganyan ang pakiramdam ko nung binasa ko yung Peksman. (Shittt ayoko ng ganyang way ng pagsusulat, pero napansin ko, halos ganyan din pala ko magsulat, bakit ganun? Karma? Huhu!)
Ay shit, nakalimutan kong kinukwento ko nga pala yung hindi ko sinasadyang pagkabasa ng Peksman. So yun nga, naghanap pa’ko ng ibang Filipino author na pwedeng i-patronize maliban kay Bob Ong. Nakita ko katabi ng mga books ni Bob Ong yung Peksman. First impression ko, ampangit ng cover.

Kase dahil pangit yung manong dun sa cover? Or hindi ko gusto yung font na ginamit sa title? Pero dahil sa kapangitan n’yang taglay, nakuha n’ya ang attention ko at nacurious ako, at wala kaseng bukas na book nun (sayang, kakainis) so napilitan akong bilhin haha!

Tapos yun nga, sinimulan ko na s’ya basahin. Huhu, ansakit talaga n’ya sa ulo. Maganda naman yung mga paksang tinatalakay plus makakapulot ka rin ng mga ginintuang aral, kaso grabe talaga, parang sumali ako sa international debate or sa senate hearing while reading the book- napagod ako sobra.
Hindi ko alam kung bakit ako ni-nosebleed habang binabasa ko yung book. Dahil ba 1)Hindi ako masyado nagbabasa ng mga Filipino novel at nanibago lang yung utak ko 2) High form of art yung sinulat ni Eros and I’m nothing but such a humble lowly human being 3) Nasanay ako kay Bob Ong na magaan lang yung way ng pagsusulat or 3) Ayaw ng panlasa ko si Eros.

Ano man ang reason behind sa hindi ko pagka-appreciate ng writing style ni Eros d’yan sa Peksman, hindi na ‘ko nag delve deeper kase tapos na nun ang break time ko at kailangan ko na uli harapin ang makakapal ‘kong Medical Surgical Nursing book. (Nursing student pa ‘ko ne’to)

Binaon ko na sa limot si Eros at ang Peksman after ng hindi ko sinasadyang pagbabasa ng Peksman incident. Nadala ako. Natraumatize. Nagka cerebral hemorrhage.

Tapos recently lang napanuod ko yung indie film na Ligo na U, Lapit na Me. Mula daw sa panulat ni Eros Atalia.

And I’m like OMG.

What? Eros Atalia? Yung dinitch kong author? Yung nirepress ko na sa memory ko? Chos.

Nagandahan ako sa movie ng sobra. Although bastos yung movie kase sex ng sex si Mercedes Cabral at Edgar Allan Guzman, hindi siya bastos. Inspiring siya. Makabuluhan. Nakakaiyak. Basta.

Tapos hinanap ko ‘kagad yung Ligo na U, Lapit na Me book. Hinanap ko siya na parang may unfinished business ako kay Eros, na parang hindi ako nakipag break ng maayos at baka may second chance pa.

Naks meron.

RANTING ALA FAN GIRL:  Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko after ko mabasa yung book na ‘yun!!! Huhu! Nagsisisi na’ko sa mga pagkakasala ko, heto nagrerepent na’ko, char!

Ang ganda. Ang galing. Masterpiece. Umayon kaya yung book sa panlasa ko dahil merong mga sex scene? Ewan. Hindi naman siguro. Maganda lang talaga yung book, period.

SERIOUS MODE NA: Salamat at nagkaroon ng mga Filipino author kagaya ni Eros Atalia sa panahon ko. Kase diba, aminin na natin, nagbabasa lang tayo ng Filipino novels pag requirement sa school. Karaniwan ang nagbabasa lang ng mga Filipino novels para sa kanilang past time ay yung mga hobbyist, or yung mga academe people, pero yung madlang people, hindi gaano. Or hindi talaga. Pero nung dumating na kayong mga awesome na Filipino writer, gumanda ang writing industry (may ganun ba?) Yung ibang Filipino author, nabigyan din ng pansin kase ang tendency ng mga tao pupunta sa bookshelf na andun yung mga book nila Eros, eh katabi yung book nung mga unknown writer, eh makucurious, bibilhin na rin yung unknown writer. (Ganito kase ako, haha)

Tapos yung madlang people, nagbabasa na sila. Nakakatuwa makakita ng mga grade school, high school at college people na nagbabrowse ng books. Filipino books pa. Parang nung unang panahon hindi ko nakitang mangyayari pala yun. Pero ang galing, nangyari s’ya! Haha!

And lastly, thank you kase naka inspire kayo ng madaming writer. Young writers. New writers. Aspiring writers. Writer wannabees. Isa na’ko sa mga yan. Kayo ang nagbukas ng pintuan para sa’min. Naks.


Maraming salamat Sir Eros.


Bahala na

Bahala Na

ni Ryan Jamil Vasquez Arioja


Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong hindi ako magaling sumulat.

Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong lalaitin niya mulo buto hanggang kaluluwa ang mga kwentong gagawin ko.

Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na wala akong nabasa kahit isa man lang sa gawa niya (maski mga nobela).

Sumali ako sa workshop ni Sir Eros kasi sa totoo lang natripan ko lang.

Sumali ako sa workshop ni Sir Eros na alam kong matututo ako, may matutunan ako, at magagamit ko yung mga matututunan ko.

Hindi ako umasa na matatanggap ako. Dalawang page nga lang ang biodata na ibinigay ko sa kanya, double spaced na, yung picture ko doon 2010 pa kinuha. Isang malaking suntok sa buwan ang ginawa ko, o pwede na rin nating sabihing isang malaking kabaliwan. Naguilty nga ako eh, kasi nag-apply ako para wala lang. Inisip ko na para kong binastos si Sir Eros, na kahit hindi ko pa nababasa ang mga gawa niya, ay alam ko namang mataas ang reputasyon sa mundo ng literatura. Nung pinasa ko yung gawa ko, isa lang ang nasa isip ko nun. Bahala na.

Pero hindi ko akalaing matatanggap ako. Naglalakad na ako pauwi ng bahay ng may nagtext na random number na nagsasabing (non-verbatim, matagal ko nang binura itong text na ito) ‘Congratz, isa ka sa mga natanggap sa aking workshop...’ Medyo natuwa na nabigla na kalmado lang ang reaksyon ko nun, kasi inaasahan kong medyo marami pa rin kami kahit papaano, mga 30+ siguro. Nagulat na lang ako nang makita ko sa Facebook na higit pala sa 400 ang nagpasa. Yung ‘Bahala na’ sa isip ko, napalitan ng dalawang tanong: (1) Anong nakain ko o superpowers na binasbas sa’kin ng lahat ng Bathala sa mundo at nakalusot ako? (2) Anong nakain ni Sir Eros at pinalusot ako?

Eto pa, mas natuwa pa yung mga kaibigan ko na nakalusot ako. They’re like “Sir Eros?!? OMGG!!! Ang galing galing mo blah blah blah ang galing galing niya blah blah blah at blah blah blah.” Hindi ko talaga alam itong pinasok kong ito, pero gaya nga ng nasabi ko, paninindigan ko na lang.

Sa mga nagdaang mga meeting, sakto lang pala si Sir Eros sa personal sa Sir Eros na naiisip ko. As usual, malakas mang-alaska, pero maalam sa kanyang ginagawa. Walang kahirap-hirap na makaisip ng mga banat na nakakatawa, pero seryoso rin pag trabaho na ang usapan. Naalala ko tuloy sa kanya si Sir Delos Reyes, ang unang guro ko na makata. At hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkakilala sila. Hell, napakaliit lang ng mga sirkulo ng mga writers sa bansa, sa loob pa kaya ng UST.

Totoo, marami akong natutunan sa kaniya. Nakakainspire rin siya kasi nagpapasa siya ng kanyang mga nalalaman sa aming mga baguhan dahil lang sa pagmamahal niya sa literatura. Hindi nga lang alam ng lahat na malaki rin ang pressure sa akin nitong workshop na to. Napakatamad ko pa namang tao, lalo na sa pagsulat. Kada Sabado noong summer nag-iisip ako ng kung anong rason makapunta lang pabalik sa Manila. Nasa Laguna kasi kami noon, at medyo tutol ang ama ko sa pagsulat (as expected), though alam niya na may workshop akong pinupuntahan. Basta ayun, kung anik anik na lang ang gagawin, makapunta lang sa workshop.

Gusto kong magpasalamat kay Sir sa lahat, sa mga aral, sa mga bagong bira, sa mga technique, sa merienda, et cetera. Masasabi ko ngayon na matapos ang workshop na ito, nagdadalawang isip na tuloy ako sa kursong kinuha ko.


P.S. Ang Aking Mensahe (sana hindi maiyak)

P.S. Ang Aking Mensahe (sana hindi maiyak)
ni Peach Aceron

July 2011 nun nung naalala ko tumatakbo kami papuntang CCP para makahabol sanang makapanuod ng Ligo na U, Lapit Na Me pero nanghinayang at nalungkot kami kasi awarding na nung napadpad kami sa CCP. Maulan nun kaya nag papicture na lang kami.

            Last year, pinanuod ko yung Intoy, Syokoy ng Kalye Marino sa CCP. Swerte lang dahil sa gala night nataon ang panunuod namin. Sabi ko one day makakausap ko rin in person si Sir Eros.
Then come August 2012 ko lang napanuod ko ang Ligo na U at dun na nagsimula ko sa paghanga ko sa mga likha ni Sir Eros. Hindi pa ako nakuntento dun dahil  bumili kaagad ako ng Ligo na U at It’s Not that Complicated.

Si Sir Eros last year ko pa siya gusto talaga ma meet kaso wala lang talagang time para maka punta ng UST. Nung pumalo ang 2013 isa sa mga new year's resolution ko yung ma meet siya in person at makapag papirma sknya ng 2 books na binili ko (Ligo na U at It's Not That Complicated). Starstrucked ako nung ma meet ko si Sir Eros at hindi ako nagkamali sa mga sinasabi nila na mabait at very accommodating talaga siya. 

And napatunayan ko na lang talaga how he really cares for his fellow/kasamahan sa workshop when he attended my mother’s wake. Na touch ako kasi si Sir Eros sa class seryoso and mapagbiro. Kung mag-usap kasi kami hindi pa umaabot sa point na personal na ang pinaguusapan. Kaya na touch ako na he went out of his way kasama ng ibang mga ksama ko sa workshop considering na alam ko may mga gagawin din sila ng araw na yun.

Sir, by the time na mabasa mo ‘toh malapit na ang birthday mo hehehe.. You are really blessed right now because marami kang natulungang mga katulad na aspiring writers. Continue to mold students and young professionals to become future writers. Hindi man kagad maging best selling novelist katulad niyo pero at least papunta na rin dun hehe.

Thank you Sir for not being selfish. Alam naman natin na very competitive na ang panahon ngayon pero pinili niyo pong mag open ng free workshop at magturo sa amin despite of your hectic schedule.

God bless Sir sa lahat ng mga incoming projects niyo. I’ve heard from Sir Jerry nay may horror film kayo with Direk Chito Rono and sana po ma film na ang It’s Not that Complicated (matabi na po nagaabang hehe sa twitter).


Thank you Sir sa lahat, marami akong natutunan sa mga klase natin at mahal ka namin ng mga anak anakan mo sa 1st batch. Wala ka ng choice Sir dahil may mga anak ka na LOL! God bless Sir!