Nais pong
pasalamatan ng The Erotics, ang lahat ng nagpunta, naghanap, naghintay at
nangulit para sa Unang Putok ng The Erotics sa Aklatan 2013. Nais din po namin
humingi ng pasensya para sa mga hindi nakabili ng kopya :( Mayroon hindi muna
bumili ng ibang libro dahil hinhintay ang Unang Putok, mayroon pang galing sa
klase at agad na dumiretso sa Aklatan, mayroon namang nagklase muna tsaka bumalik, mayroon din namang taga-Bulacan
pa pero hindi muna umuwi. At maraming umaali-aligid at pabalik-balik sa table
para mag-abang.
Napag-sang
ayunan ng grupo na pinakamahirap sagutin ang tanong na “Mayroon pa po bang
libro?”, dahil naubos AGAD-AGAD-AGAD-AGAD, ang very, very, very, few and humble
stocks namin on hand, (pati ‘yun sample namin, nakuha din haha). Hindi agad
kami makapag-bigay ng konkretong sagot kung saan pa nila pwedeng masilayan ang
libro.
Magkahalong tuwa
ang naramdaman namin para sa mga interesado, na hindi naman kakilala o kaibigan
at naging pala-isipan sa aming 15 kung ano ang susunod na mangyayari.
Kaya nang
matapos ang Aklatan, sa Mang Inasal ng Alphaland, nagsimula kaming
magplano. Noong una, meet-up lang dapat
para sa mga nagregister sa Aklatan na interesadong bumili. Naging meet and
greet, pagkatapos dagdagan na raw ng signing session. Hanggang naging maging
ideya ang sarili naming book launch. Sa gitna ng mga gutom na sikmura at
mapupulang pagod/inaantok na mga mata nabuo ang konsepto. Kailangan maghanap ng
lugar, gumawa ng program at mag-isip ang iba pang sikat na writers na pwedeng
imbitahin at syempre pa, ang mga gagawin para ipakalat sa buong sambayanan na
magkakaroon ng sariling book launch ang The Erotics (para naman di kami
langawin haha).
Syempre naisip
namin, sayang naman. Mayroon kaming sariling closed group sa Facebook at hindi
lalagpas ang isang araw na hindi bumabaha ng comments at notifications sa loob
ng group. Madaling araw man, gising ang karamihan sa amin para mag-ayos at
maitaguyod ang libro. Sa gitna ng klase at trabaho, magka-chat at magka-text pa
rin na nagkakamustahan.
Dalawang linggo
rin nabugbog ang grupo, sa ilang gabing pag-eedit/pag-rerevise ng mga storya,
sa pag-lay out ng 30 PDF story files, pag-design ng book cover, paghagilap ng
mga blurbs, paggawa ng poster (naka-ilang version din kami), pagpa-photocopy ng
mga pamphlet, pagpakalat sa Instagram ng mga excerpts ng bawat storya, pagsubok/pagpakahirap
na kumuha ng ISBN at ang pagpapakalat sa Facebook ng announcement.
Sayang naman, na
hindi mababasa ng iba ang pinaghirapan naming i-workshop sa loob ng 12 weeks,
sayang naman na hindi maibi-bida ng grupo ang mga natutunan namin mula kay Sir
Eros.
Kaya kung hindi
man sa Aklatan maibenta at mailako ang libro, hahanap pa rin kami ng paraan!
Kahit tentative
pa lang, sabay-sabay po nating paghandaan ang September 28, 2013 para sa book
launch ng Unang Putok! Malamang, itataguyod na naman ng grupo sa loob ng 20
days ang lahat ng kailangan, pero kakayanin ng The Erotics para lamand sa mga
instant-fans noong Aklatan at para sa lahat ng kaibigan at kakilala na patuloy
na sumusuporta sa aming maliit na book project :). Sa lahat po ng makakabasa nito, sana po,
suportahan niyo pa rin kami sa pagtatangkang maging writers, kahit pa po self-publish
kami.
This is it! PART 2! |
Gusto rin
pasalamatan ng The Erotics, ang printer ng libro. Talagang hindi kami
pinabayaan, kahit na hindi natulog ng dalawang araw, at naki-isa sa mga workers
ng shop para lang maitaguyod ang libro. Kahit pa sa huli eh bumigay ang binding
machine nila. Maraming salamat sa pag-ako ng printing, dahil walang ibang
printer ang kukuha ng rush at 3 days left remaining na lang. Maraming salamat
po Sir Eros Atalia, maliban sa Palanca awardee, mentor, professor, siya ang pinaka-masipag,
matibay at napakagaling na printer! (parang
natuluan niyo pa ata ng pawis ang ibang kopya, hahahahaa)
At para po sa
mga announcements, kung saan at anong oras ang soft book launch namin,
paki-like lang po ang Facebook page namin, www.facebook.com/UnangPutok. Dito po ang lahat ng updates,
announcement at maglalagay po kami ng mga teasers at posters. At kung may katanungan po kayo, welcome na welcome
po kayong mag-message!
Unang Putok. 30
kuwento. 15 manunulat. 1 libro.
Taos puso po
kaming nagpapasalamat! See you soon!
Loveeeee, The Erotics!