

Naging fellow for fiction in Filipino siya sa UST
(2003), Ateneo (2004), at UP (2005 at 2013) National Writers’ Workshops, UST
Summer Creative Writing Workshop 2012, fellow for multi-art criticism sa
Kritika 2012: National Workshop on Art and Cultural Criticism ng NCCA at
Bienvenido N. Santos Creative Writing Center ng DLSU.
Ang kanyang mga maikling kuwento, personal, at
kritikal na sanaysay ay nailimbag sa Likhaan 3 at 4, Philippine Studies,
Philippine Humanities Review, Daluyan, Literary Apprentice, Ani, at Tomas.
Kabilang rin ang kanyang mga akda sa mga antolohiyang Querida: An Anthology
(2013), Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011), Talong/Tahong: Mga
Kuwentong Homoerotiko (2011), at Mga Kuwentong Paspasan (2007).
Isa siya sa mga nagtatag ng Kuliti, grupo ng mga
kabataang manunulat ng erotika, at isa sa mga editor ng Kuliti (2007) at
Kuliti: Pagtatanggol sa Pag-ibig (2008). Ang kanyang mga dulang may isang yugto
ay naitanghal sa Virgin Labfest 6 ("Matyag," kolaborasyon) at 8
("Alejandro"). Siya ang awtor ng Hindi Barbra Ang Ngalan Ko (2011) (http://hindibarbraangngalanko.wordpress.com) at 5EX (2012) (http://www.ybb.ph/2012/11/5ex.html).